Home » Probinsya » Zambales: Beach resort, nilamon ng dagat

Zambales: Beach resort, nilamon ng dagat

Ni Jonas Reyes

CANDELARIA, ZAMBALES – Nilamon ng dagat ang malaking bahagi ng isang beach resort sa Candelaria, Zambales, at nangangamba ang mga residente na ang isang lumalapad na sinkhole ang responsable sa insidente.

Ayon sa isa sa mga residente, halos 100 metro ng pampang ang nilamon ng dagat, at may mahigit anim na talampakan ang lalim nito.

Sinabi ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) na umaabot ng 10 metro ang lupang nilamon ng dagat.

“Nakakatakot at baka pati ‘yung mga bahay naming ay abutin ng lumulubog na lupa, pero siyempre kelangan naming bantayan ang aming lugar,” sabi ng residenteng si Mang Eric.

Bagamat nababahala sa posibilidad na patuloy na lumalaki ang sinkhole, pinili ng mga residente na manatili sa lugar dahil ang kanilang mga bahay ay malapit sa pampang ng Zambales.

Apektado na ang turismo sa lugar simula nang isara ang Puerto Del Mar beach resort upang matiyak ang seguridad sa lugar.

Para sa ilang residente, malaki ang magiging epekto ng sinkhole sa turismo dahil naging masigla ang pagdagsa ng mga turista sa lugar sa nakalipas na mga taon.

Sinabi naman ng mga residente na walang nasugatan o nasawi sa insidente, anila, “Suwerte pa din at walang namatay nung naganap ‘yung pagguho nung lupa.”

“This is a natural phenomenon. There may have been soil erosion because of the strength of the tidal waves or there may be a sinkhole,” sabi ni Jasareno.

Dumating na sa lugar kahapon ang eight-man team ng MGB para mag-imbestiga.

Incoming search terms: