Home » Boxing » Fil-Canadian, nagwagi sa Montreal

Fil-Canadian, nagwagi sa Montreal

Isang Pilipino lamang ang nagtala ng panalo sa apat na boksingerong kumasa sa Canada, United States at Mexico.

Napanatiling perpekto ang rekord ni Fil-Canadian bantamweight Marc Pagkaliwangan sa 5 panalo, ang lahat ay pawang sa knockouts, nang patulugin niya sa 3rd round si John Brown noong Sabado ng gabi sa Chapiteau CCSE Maisonneuve, Montreal, Quebec, Canada.

Hindi naman umubra ang pagiging beterano ni multi-world title challenger Juanito Rubillar ng Pilipinas na nabigo kay Ghanaian knockout artist John Amuzu sa 6round unanimous decision sa Four Points Sheraton Hotel, San Diego, California sa United States.

Ito ang unang pagkakataon na hindi nagwagi sa knockout si Amuzu na nakuntento sa panalo sa mga iskor na 60-54 sa tatlong hurado kaya may rekord siya ngayong 14 panalo, 13 sa knockouts.

Pinaglaruan naman ni threedivision world champion Fernando Montiel si Pinoy boxer Jaderes Padua na tinalo niya sa 3rd round knockout para matamo ang bakanteng WBC International super bantamweight title sa Hotel Azul sa Ixtapa, Guerrero, Mexico.

“Former world champion Fernando “Kochulito“ Montiel (504-2, 37 KOs) scored a third round KO over overmatched Jaderes Padua (83-1, 5 KOs) on Saturday night,“ ayon sa ulat ng Fightnews.com. “Time was 1:12. Montiel said he would retire if he lost to the trash-talking Filipino, but that was never an issue in the one-sided blowout.“

Sa hiwalay na laban, pinatulog naman sa 2nd round ng walang talong si WBC Youth Intercontinental super featherweight titlist Miguel Berchelt si Filipino boxer Weng Haya sa 2nd round ng kanilang sagupaan sa Complejo Deportivo Inalámbrica, Merida, Yucatán, Mexico.

“In another seeming mismatch Filipino super featherweight Weng Haya was knocked out in the second round by undefeated 21 year old Mexican prospect Miguel Berchelt in Merida, Mexico,“ ayon pa sa ulat. “Haya who had shocked world champion Orlando Salido in a ten-round non-title fight last December 17 when he dropped Salido in rounds 3 and 4 but was himself stopped in round 8, was no match for Berchelt who improved to 19-0 with 16 knockouts with his most impressive showing to date.“ – Gilbert Espeña

comments


















Translate »