Home » Pagtanaw at Pananaw » MAG-INGAT SA WILD

MAG-INGAT SA WILD

 

May 40,000 na ang biktima ng dengue mula Enero hanggang ngayon. Ito ang napag-alaman sa Department of Health. Dapat mag-ingat ang ating mga kababayan sa uri ng sakit na ito na walang sinasanto maging bata o matanda man. Bukod sa dengue, pinag-iingat din ng DoH ang mga mamamayan sa sakit pagdating ng tag-ulan. Ang tawag dito ng DoH ay WILD o water-borne diseases, influenza, leptospirosis at dengue!

Totoo ba ang mga ulat na karamihan sa mga textbook ng mga mag-aaral sa public schools ay obsolete na? Sinabi diumano ng mga guro sa mga pampublikong paaralan na bukod sa medyo huli ang pagkakaloob ng learning packages para sa Grades 2 at 8 bilang bahagi sa implementasyon ng K-to-12 program, mga obsolete na ang mga aklat at ibang materyales na dapat pag-aralan ng mga estudyante.

Nangangamba ang Malacanang sa posibleng pagkaubos ng meteorologists dahil marami sa kanila ang nagsisipagbitiw upang mangibang-bansa para maghanap ng greener pasture. Hindi raw yata sapat ang sahod na kanilang tinatanggap bilang mga kawani ng PAGASA gayong malimit silang sisihin ng publiko at maging ng mga lider ng bansa, kapag medyo hindi tumugma sa kanilang forecast ang lagay ng panahon. Di ba noon ay pinagalitan ni Pangulong Noynoy Aquino si Dr. Prisco Nilo dahil hindi niya nahulaan na ang bagyo ay daraan pala sa Metro Manila? Si Nilo na isang modelo at mahirap na puno ng PAGASA ay nagresign at ngayon yata ay nasa ibang bansa at tumatanggap ng kanaisnais na suweldo!

Magandang balita na ang Pilipinas at Taiwan ay nagkakasundo na ngayon sa kabila ng alingasngas na likha ng pagkamatay ng isang Taiwanese fisherman sa Balintang Channel sa Batanes. Nangako ang dalawa na hindi gagamit ng dahas at puwersa sa paglutas sa sigalot sa pangingisda. Batay sa mga report, napatay diumano ang mangingisda ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard. Napilitan daw ang PCG na paputukan ang fishing vessel ng dayuhan dahil sa halip na sumuko, tinangka nitong banggain ang sasakyan ng PCG at BFAR. Ngayon, nag-uusap na ang mga lider ng Taiwan at Pilipinas tungkol sa koordinasyon at pagtutulungan sa isyu ng pangingisda sa naturang lugar. Sige lang, mangisda kayo at kami man ay mangingisda rin!

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese