Home » Showbiz atbp. » Bakit namamaga ang mukha ni Aiko Melendez?

Bakit namamaga ang mukha ni Aiko Melendez?

Ni Reggee Bonoan

MARAMI ang nakakapansin na bukod sa katawan ni Aiko Melendez ay lumaki rin daw ang mukha niya sa Apoy sa Dagat.

Kaya nang maabutan namin ang serye nang maaga kaming umuwi ng bahay ay pinanood namin, at totoo nga ang sinasabi ng mga sumusubaybay sa programa.

Ayon sa mga tsikahan na naririnig namin sa showbiz circle, dahil daw sa kaka-botox ng aktres kaya ganyan ang resulta.

Pero naaalala namin na noong solo presscon ni Aiko ay wala naman siyang nasabi na ipinagalaw niya ang mukha niya. Ang sabi lang niya ay nagpapa-inject siya sa kaibigan niyang doktor para pumayat siya. Binanggit pa niya ang pangalan ng doktor at sa katunayan ay ini-recommend pa niya ito sa ibang katoto na ang problema rin ang pagiging chubby.

Matagal na naming hindi nakakausap si Aiko dahil busy siya sa taping ng Apoy sa Dagat pero may nakatsikahan kaming taong malapit sa kanya kaya nabanggit na namin ang pamamaga ng mukha ng aktres sa telebisyon.

“Hindi nagparetoke ng mukha si Aiko, gusto kasi niyang pumantay ‘yung jaw niya, so may iniinom siyang gamot, eh, hindi pala niya kasundo, nagka-allergy, hayun, namaga.

“Wala naman siyang choice na magpahinga kasi may serye siya, so kahit namamaga ang face niya, nagte-taping pa rin siya,” sabi ng tagapagtanggol ng aktres.

Nabanggit din namin ang tungkol sa katawan ng aktres na napapansin din ng viewers.

“Actually, payat siya sa personal, malaki lang talaga ang frame niya, lalo na sa balikat, pang-swimmer kasi ang built ng katawan niya. Eh, di ba swimmer naman talaga siya?

“Kaya akala ng iba, mataba si Aiko, hindi totoo, payat talaga siya, mukha lang niya ang namamaga kasi nagka-allergy,” paliwanag pa ng taong malapit kay Aiko.

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese