Home » Showbiz atbp. » Father’s Day Special ng ‘Front Row’

Father’s Day Special ng ‘Front Row’

 

NGAYONG Sabado, bilang pagpupugay sa mga dakilang ama, kikilalanin ang mga super tatay sa Front Row, 9:45 PM, sa GMA News TV.

Ama, itang, tatay, pops, daddy o papa -anuman ang itawag, may imaheng naglalarawan o kumakatawan sa kanila ­ sila ang matibay na haligi ng bawat tahanan. Bagamat maraming kababaihan na ang tumutulong sa pagtatrabaho katuwang ang kanilang kabiyak, ang padre de pamilya ang madalas inaasahang magbanat ng buto para buhayin ang pamilya.

Pero kung noon ay may mga trabaho na madalas iugnay para sa mga Eba lamang, ngayon ay may mga gawaing pambabae na pinasok na rin ni Adan masiguro lamang ang suporta sa kanyang pamilya.

Sa isang salon, labindalawang taon nang hairdresser at make-up artist ang trenta’y uno anyos na si Wilson. Balewala sa kanya ang minsang pangungutya dahil ang trabahong ito ang nagpaaral at nagtaguyod sa kanyang apat na anak at nakapagpundar ng kanilang sariling bahay.

Si Cris naman ay mahigit isang dekada nang labandero at plantsador. Balewala rin ito sa kanya, maitawid lamang nang disente at marangal ang mga pangangailangan ng kanyang kabiyak at limang anak.

Huwag kaligtaang panoorin ang kakaibang paksang ito sa Front Row ng GMA News TV, ngayong gabi na. –Nora Calderon

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese