Home » Probinsya » Chikungunya fever, kumakalat sa Ifugao

Chikungunya fever, kumakalat sa Ifugao

Ni Wilfredo Berganio

LAMUT, Ifugao – Patuloy ang pag-atake ng Chikungunya fever sa iba’t ibang bayan ng Ifugao at kalapit na bayan sa Nueva Vizcaya, iniulat ng Provincial Health Office (PHO) ng Ifugao kahapon.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Mary Jo Dulawan na umabot na sa 456 na kaso ng Chikungunya fever ang naitala sa Lamut, 395; Banaue, 5; Lagawe,4; Asipulo,-2; at tig-isa sa mga bayan ng Aguinaldo, Hingyon, Kiangan at Tinoc, Ifugao. May mga pasyente ring nagmula sa kabundukan ng Nueva Ecija

“The disease was confirmed by regional personnel from the DOH, who conducted laboratory tests on the patients,” wika ni Dulawan.

Sinabi ni Dulawan na lumitaw sa pagsususri ng DOH na nakuha ang sakit na ito sa kagat ng lamok at naililipat ng tao sa tao. Ang lamok may dalang Chikungunya virus ay nagtatago sa mga drum, timba na mayroon tubigulan, sa inuman ng mga hayop, mga lumang gulong at mga hindi ginagamit na sisidlan ng pagkain.

Ang pasyenteng may Chikungunya fever, ay makakaramdam ng pananakit ng kasukasuan sa ikatlo hanggang ikapitong araw. Wala itong direktang gamot dito ngunit maaaring gumamit ng mga analgesic at non-steroidal anti-inflammatory medication upang mapababa ang nararamdaman. Iwasan ang pag-inom ng anuman uri ng aspirin

“This is similar to the dengue carrying mosquito, however, the difference is that this is not as fatal as dengue but the pain in the joints and extremities will remain for sometime in the case of Chikungunya fever even if the fever is gone,” paliwanag pa ni Dulawan.

Incoming search terms:

comments


















Translate »