Home » Pahina Siyete » ARAW NG RIZAL

ARAW NG RIZAL

 

Bukas, ika-11 ng Hunyo ay bisperas ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Sa mga taga-Rizal, ang araw na ito ay mahalaga at natatangi sapagkat pagdiriwang ng ika-112 anibersaryo ng lalawigan ng Rizal. Pangungunahan ito nina Rizal Governor Jun Ynares lll, Vice Governor Frrisco San Juan, Jr. at ng mga miyembro ng Sanggunian Panlalawigan. Ang pagdiriwang ng Araw ng Lalawigan ng Rizal ngayon ay nakasentro sa paksang “Ibayong Kaunlaran Para sa Nagkakaisang Mamamayan”. Ang selebrasyon ay huling paglahok ni Gob. Jun Ynares sapagkat sa darating na unang araw ng Hulyo ay manunungkulan siya bilang bagong halal na mayor ng lunsod ng Antipolo, Rizal. Si Gob. Jun ay may anim na taon gobernador ng Rizal.

Ang pagdiriwang ng Araw ng Lalawigan ng Rizal ay inihudyat ng pagbubukas ng Trade Fair noong ika-7 ng Hunyo sa event center ng SM City sa Taytay, Rizal.ang Trade Fair ay nilahukan ng mgaRizal Ezporters and Manufacturers Inc (REMAI), ng Samahan ng mga Rizalenyo sa Agrikultura at Pagkain (SARAP) at ng exhibitor mula sa Calabarzon.Ang paksa ng Trade Fair ay Rizal Exporters & Manufacturers Fair 10, “Alay sa Lalawigan”Matatapos ang Trad fair sa ika-16 ng Hunyo.Kasabay ng Trade Fair ang Rizal Inter-Town Shirt Design Contest.Naging mga panauhin sina Rizal Vice Governor Popoy San Juan, Jr. Maritess Castro, Officer-in Charge, ng Department of Tourism Region IV-A, Nemi Miranda, Jr.Visual Arts head, ng NCCA at mga tourism head ng mga bayan sa Rizal.

Bahagi rin ng pagdiriwang ng Araw ng Lalawigan ng Rizal sa umaga ng ika-11 ng sabay-sabay na medical at dental mission sa Rizal Provincial Hospital sa Morong at sa mga annex hospital sa Angono, Antipolo, San Mateo-Montalban, Rizal. May jobs fair din sa umaga na gagawin sa labas ng Ynares Center sa Antipolo.At sa ganap na ala-una ng hapon, isang misa ng pasasalamat ang gagawin sa loob ng Ynares Center. Kasunod nito ang isang simple ngunit makahulugan programa.tampok ang pagkakaloob ng parangal na mga napiling Anak ng Lahing Bayani (ALAB) ng Rizal. Matapos ang ang awarding, sa pangnguna ni Gob Ynares, gagawin ang pag-aalay ng mga bulaklak sa bantayog ng ating pambansang bayani sa harap ng Ynares Center.Bahagi na ito ng pagdiriwang ng ika-115 anibesaryo ng Araw ng Kalayaan

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese
  • asd

    WeWs . . . . . . . . Salmat ha ^-^ PAnget ng comment ko parang ikaw