Home » Balita » Mabigat na parusa sa magnanakaw sa puntod, isinulong

Mabigat na parusa sa magnanakaw sa puntod, isinulong

Ni Hannah Torregoza/ Manila Bulletin

Hindi magtatagal at ituturing nang isang mabigat na krimen ang pagnanakaw sa mga puntod.

Ito ay base sa isang panukala na magpapataw ng mabigat na parusa sa magnanakaw sa mga sementeryo na inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado.

Kapag naisabatas na ang Senate Bill No. 1689 o Anti-Grave Robbers Act, ang pagnanakaw sa mga puntod o libingan ay tratatuhing isang robbery case, ayon kay Sen. Francis “Chiz” Escudero.

Tiwala si Escudero, chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights, na maipapasa ang panukala bago ang pagtatapos ng 15th Congress kamakalawa.

Ayon kay Sen. Miriam Defensor Santiago, matagal nang problema ang mga insidente ng pagnanakaw sa mga puntod.

Kabilang sa kanariwaing tinatangay ng mga kawatan ay ang mga mamahaling kabaong, alahas, damit at iba pang personal na gamit na isinasama sa labi ng isang pumanaw.

“In a culture as rich as ours, we have always honored our dead with many gifts to commemorate their lives as well as graves fit to be their final resting place,” sinabi ni Santiago.

Nakasaad sa Article 302 of the Revised Penal Code, “any robbery committed in an uninhabited place or in a building other than those mentioned in the first paragraph of Article 299, if the value of the property taken exceeds 250 pesos, shall be punished by prision correcional.”

Base sa naturang pag-amiyenda, tinukoy sa Article 302-A, ang pagnanakaw sa puntod bilang: “…when the robbery consists in the taking of all or part of a tomb, coffin, monument, gravestone, or all or part of a commemorative, decorative, or other cemeteryrelated article or committed in a cemetery, graveyard or burial ground; the culprit shall suffer the penalty next higher in degree than that prescribed in the said articles.”

“The law needs to be more specific when it comes to robbery and desecration of graves and tombs. Apart from stealing or destroying property, grave robbers aggravate the grief of those who lost their loved ones and dishonor the final resting place of the deceased,” ani Santiago.

Kapag naisabatas, nahaharap ang mga magnanakaw ng anim na taon at isang araw hanggang 12 taon ng pagkakabilanggo habang ang pinakamabigat na parusa ay 20 taon at isang araw hanggang 40 taong pagkakabilanggo.

Incoming search terms:

comments


















Translate »