Home » Balita » SECE deadline sa Hunyo 12—Comelec

SECE deadline sa Hunyo 12—Comelec

 

Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kumandidato noong midterm elections na mayroon na lamang silang hanggang Hunyo 12 para isumite ang kani-kanilang Statement of Election Contributions and Expenditures (SECE).

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, nanalo o natalo man ang kandidato ay kinakailangang magsumite ang mga ito ng SECE.

Ang sinuman, aniya, na mabibigong magsumite ng SECE ay mahaharap sa kasong administratibo, na may katapat na multang mula P1,000 hanggang P30,000.

Para sa ikalawang paglabag, kinakailangang magmulta ng mula P2,000 hanggang 60,000 at perpetual disqualification sa pag-upo sa anumang puwesto sa gobyerno.

Inaasahan namang magiging mas mabigat ang parusa sa kandidatong nanalo ngunit hindi nagsumite ng SECE, dahil hindi rin siya papayagang makaupo sa puwesto sa Hunyo 30.

Alinsunod sa Comelec Resolution 9385, Hunyo 12 ang huling araw ng paghahain ng sinumpaang SECE dahil ito ang huling araw ng 30-day period matapos ang Election Day.

Nilinaw rin ni Jimenez na hindi magbibigay ang Comelec ng extension sa paghahain ng SECE. – Mary Ann Santiago

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese