Home » Editoryal » PAGTUTULUNGAN SA PAGGAWA NG PILIPINAS AT NG UNITED ARAB EMIRATES

PAGTUTULUNGAN SA PAGGAWA NG PILIPINAS AT NG UNITED ARAB EMIRATES

 

PATULOY na pinabubuti ng Pilipinas at ng United Arab Emirates (UAE) ang kanilang pagtutulungan sa labor at manpower. Lumagda ang Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE), at ang UAE, sa pamamagitan ng kanilang Ministry of Labor, sa isang bilateral cooperation agreement matapos ang international conference on “Labor Mobility –Enabler for Sustainable Development”, na ginanap sa Abu Dhabi, UAE noong Mayo 14-15, 2013.

Pinapurihan ng Pilipinas ang mga pagsisikap ng UAE sa pagpoprotekta sa karapatan ng mga banyagang manggagawa, kabilang na ang mga Pilipino, habang binigyang diin naman ng UAE ang pangako nito na protektahan ang labor rights at pagkalooban ang mga banyagang manggagawa ng lugar paggawa na naayon sa batas ng bansa at sa pandaigdigang pamantayan.

Ang mga kinatawan ng gobyerno mula sa Bahrain, Kuwait, Sweden, at Pilipinas, gayundin ang mga opisyal mula sa United Nations, International Organization for Migration, World Bank, at Organization fro Economic Co-operation and Development ay nagtipon sa Abu Dhabi upang talakayin ang cross-boundary movement ng mga manggagawa at ang epekto nito sa kaunlaran.

Ang kumperensiya, punong abala ang Emirates Center for Strategic Studies and Research, ay naglalayong ipatupad ang mga inisyatiba ng Abu Dhabi Dialogue, na kinabibilangan ng framework for cooperation sa 11 bansang pinanggagalingan ng mga manggagawa – ang Afghanistan, Bangladesh, China, India, Indonesia, Nepal, Pakistan, Pilipinas, Sri Lanka, Thailand, at Vietnam – at pitong patutunguhang bansa ng UAE, Bahrain, Kuwait, Oman, Qatar, Saudi Arabia, at Yemen.

Binabati namin ang Department of Labor and Employment, sa pangunguna ni Secretary Rosalinda D. Baldoz, at ng Ministry of Labor ng United Arab Emirates, sa pamumuno ng Minister Saqr bin Ghobash Saeed Ghobash, at iba pang mga Opisyal, sa kanilang mga pagsisikap na resolbahin ang mga isyu at usapin sa migrant labor sa Republika ng Pilipinas. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!

Incoming search terms:

Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese