Home » Pagtanaw at Pananaw » PAGLUSOG NG EKONOMIYA

PAGLUSOG NG EKONOMIYA

 

NAKAGUGULAT ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa pagtatamo ng 7.8 % GDP sa unang tatlong buwan ng 2013. Talaga yatang bumubuti ang kalagayan ng bansa sa ilalim ng binatang Pangulo na kontra sa kurapsiyon na ayaw munang magkaroon ng Ginang habang humahawak ng timon ng gobyerno.

Batay sa mga report na ibinandila sa mga pahayagan at ipinaghiyawan sa radyo at TV, dinaig pa ng Pinas ang China, Malaysia, Thailand at iba pa sa pagsikad ng ekonomiya bagamat patuloy ang recession sa Europe at mabagal ang pagbangon ng America sanhi ng krisis-pinansiyal na nanalasa sa maraming panig ng mundo.

Hoy, Ginoong Dan Brown, makinig at manood ka nga sa mga ulat ng CNN, magtungo ka sa Pilipinas at huwag magsulat ng kung anu-anong tsismis sa iyong nobelang Inferno na ang daanan o pintuan sa impiyerno ay matatagpuan sa Maynila. Bakit, nagpunta ka na ba sa Pinas?

Alam mo ba, Mr. Brown, na batay sa report ng CNN, tatlong beach sa minamahal kong Pinas ang kabilang sa “100 Best in the World?“ Sige, magobserba ka para sa susulatin mong bagong nobela, ang titulo nito ay “Gates of Heaven“, nasa Pilipinas pala!

Hinahamon kita nobelistang tsismoso na bumisita sa bansa at magtungo sa Palaui Island sa Cagayan Valley, El Nido sa Palawan, at sa Puka beach sa Boracay, para malaman mong wala sa aming bansa ang sinulat mong “Gates of Hell.“

Baka hindi mo rin batid na apat na Pinoy ang kabilang ngayon sa Forbes Asia’s Heroes of Philanthropy. Kung hindi mo kilala, sila ay sina Henry Sy., John Gokongwei, Felino Palafox Jr. at Joel Cruz, na isang perfume manufacturer.

Tatlong taon na sa Malacañang si PNoy sa Hunyo 30, 2013. Umaasa ang mga Pinoy na tutuparin niya ang mga slogan na “Kung walang corrupt, walang mahirap“ at “Tuwid na Daan“ na tatahakin ng kanyang administrasyon. Bago ka bumaba sa poder sa 2016, sana ay malutas mo ang hidwaan ng China at Pinas sa West Philippine Sea, krisis sa Sabah, at problema sa Taiwan. At sana rin, may napili ka nang isang dilag na makakasama mo sa buhay!

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese