Home » Balita » 7 SAF, nasawi sa NPA

7 SAF, nasawi sa NPA

TUGUEGARAO CITY – Hindi pa man nakababangon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nangyaring pamamaslang sa pitong miyembro ng Philippine Marines sa Patikul, Sulu nitong nakaraang lingo, pito ring miyembro ng Philippine National Police (PNP) Special Action Force (SAF) ang kumpirmadong nasawi habang walong iba pa ang sugatan sa pananambang na ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa hangganan ng Barangay Cataratan at Centro West, Allacapan, Cagayan kahapon.

Kinumpirma ni Chief Insp. Andree Camhol-Abella, tagapagsalita ng Cagayan Valley Regional Police Office, ang insidente na nangyari dakong 8:30 ng umaga.

“The names of killed policemen and the eight wounded others are on the process of identification as of press time,” aniya.

Sinabi ni Abella na lulan ang 14 commando ng SAF ng isang sasakyan na patungo sa punong-tanggapan ng Cagayan Police Provincial Office mula sa kanilang detachment sa Barangay Cataratan, Allacapan, Cagayan upang sumailalim sa physical fitness check nang mangyari ang pananambang.

Unang napuruhan ng landmine ang sasakyan ng mga biktima bago sila pinaulanan ng bala ng mga rebelde, ayon sa ulat.

“Our policemen were set to have an ECG examination in the headquarters of the Cagayan PPO when they were ambushed by still unidentified group of NPA rebels,” aniya.

Ani Abella, may dalawang kilometro lamang ang layo ng ambush site mula sa estasyon ng pulis sa Allacapan.

Agad na naglunsad ng pursuit operations ang pulisya laban sa mga tumakas na rebelde. – Freddie Lazaro/Manila Bulletin

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese