Home » Probinsya » Quezon mayor, sugatan sa aksidente

Quezon mayor, sugatan sa aksidente

Ni Danny J. Estacio

TAYABAS CITY, Quezon – Sugatan ang isang municipal mayor sa Quezon at kanyang pamilya at apat pa nang salpukin ang kanilang sinasakyang kotse ng pampasaherong jeepney sa daan sa Barangay Wakas ng lungsod kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga nasugatan na sina Rodelo Torres Tena, 57, municipal mayor ng Jomalig, Quezon, asawang si Gloria, 53 at anak na si Jeremiah Britanica, at Elmer A. Gariguez, 34, budget officer ng Jomalig, lahat nakatira sa Barangay Talisoy, Jomalig, Quezon.

Ang iba pang biktima ay sina Neri Uy Tan, 71, biyuda, St. Thomas Village, San Pedro Kanan, Calmar Homes, Lucena City; Reyman Jader Roxas, 21, ng Bgy. Angustias Zone 1; Avelina Zafra Quinsanos, 64, ng Sumilang Subd., at Celia Ranillo Bandong, 60, ng Bgy. Lita, pawang ng lungsod na ito.

Isinugod ang mga biktima sa Mt. Carmel General Hospital at Tayabas Community Hospital.

Naganap ang aksidente, 7:20 ng gabi, patungo ang pampasaherong jeep (DVX 776) na minamaneho ni Joselito Jacela Natay, 46, residente ng Bgy. Angeles Zone 1, sa poblasyon nang mawalan ng preno at sinakop ang kabilang linya hanggang sa sumalpok sa kotse ni Tena (USK 658) na minamaneho ni Gariguez.

Nahaharap si Natay sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to property.

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese