Home » Probinsya » Endangered species, nasabat sa Palawan

Endangered species, nasabat sa Palawan

Nabawi at nailigtas ng Department of Environmental ang Natural Resources (DENR) at Philippine National Police (PNP) ang milyong halaga ng endangered species ng ibon sa Maritime sa Sitio Palo-palo, Barangay Burirao Narra, Palawan, kamakalawa ng hapon.

Inabutan ng mga awtoridad sa akto ang apat na suspek na nagpapakain ng mga pikoy (blue naped parrots) at mynah o kyaw na nakalagay sa 23 hawla.

Sa ulat ng PNP Maritime sa DENR, ibabiyahe na sana ng mga suspek sa Manila ang mga ibon para ibenta sa halagang P3,000 at P5,000 bawat isa.

Isang impormante ang nag –ulat sa DENR hinggil sa iligal na pagbebenta sa mga endangered species na agad namang ipinaalam sa PNP Maritime sa Palawan.

Isang buwan ring minanmanan ng awtoridad ang mga suspek.

Ayon sa mga nahuli, nautusan lamang sila na magpakain ng mga ibon kapalit ng P100 kada araw. Itinuro nila ang isang alyas “Alen” na umano’y may-ari ng ibon.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9147 o Wildlife Act at Presidential Decree 705. – Jun Fabon

Incoming search terms:

comments
Translate »


















Translate »