Home » Showbiz atbp. » Zanjoe Marudo,tumabo sa ‘Bromance

Zanjoe Marudo,tumabo sa ‘Bromance

 

Ni Reggee Bonoan

ZANJOE MarudoHALOS maglulundag sa tuwa si Zanjoe Marudo dahil tumabo ng P7M sa opening day ang kanyang pelikulang Bromance mula sa Skylight Films na dinirehe ni Wenn Deramas ayon mismo sa booker na nakatsikahan namin.

Nag-text kasi kami sa taga-Star Cinema para mag-usisa kung nakamagkano sa unang araw ang Bromance pero hindi kami tuwirang sinagot dahil pinagbawalan na raw sila ng management na magbigay ng figures.

Napa-ha?! kami dahil hindi naman sila ganoon sa mga pelikulang Sisterakas, It Takes a Man and a Woman, Mistress, One More Chance at iba pa.

Naisip tuloy namin na hindi kumita ang Bromance, pero ipinagtanggol ito ng booker na tsinika namin at sabi nga, “Abot ng P7M sa first day according to the receipts na nabilang na.“

Samantala, hindi na nakasama si Zanjoe kay Sam Milby patungong Paris, France para dumalo sa 66th Cannes Film Festival para sa kanilang pelikulang Death March dahil kasalukuyan pa rin siyang nagpopromote ng Bromance at may grand presscon pa (kahapon) para sa bago niyang seryeng Anna Liza (gaganap siya bilang ama ng batang bida).

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese