Home » Dagdag Balita » PH tourism, ibinida sa Poland

PH tourism, ibinida sa Poland

 

Nagsagawa ng pinag-isang presentasyon ang Embahada ng Pilipinas sa Warsaw at Qatar Airways upang ipakilala ang turismo sa Pilipinas sa mga tour operators sa Poland.

Pinangunahan ni Philippine Ambassador to Poland Patricia Ann V. Paez noong Mayo 9 ang pagbibigay ng kabuuang impresyon sa Pilipinas bilang travel destination at mga tourist attraction ng bansa na napabilang sa World Heritage Sites ng UNESCO at mga natural geological monuments.

Binanggit rin ang third-party sources gaya ng CNN, New York Times, Lonely Planet Travellers’ Choice at Conde Naste Traveller na pawang pumuri sa Pilipinas bilang isa sa Top 10 Choice Destinations ngayong 2013.

Ang mga presentasyon sa tourist attractions at mga aktibidad sa mga probinsiya ng Cebu, Bohol at Palawan ay isinagawa nina Vice Consul Cecile Lao at Ms. Evelyn Vega. Ipinakita rin ang videos ng “It’s More Fun in the Philippines” at tourism videos ng tatlong probinsiya.

Binanggit ni Qatar Airways Commercial Manager Gregorz Karolewski ang paglaki ng sales sa Pilipinas simula ng magkaroon ng araw-araw na flights mula Warsaw patungong Manila via Doha noong Disyembre 2012.

Ibinida naman ng chef ng Sheraton-Warsaw na painagdausan ng event ang mga pagkaing Pinoy tulad ng adobo, lumpiang shanghai, pork humba, tortang talong at turon na pinagkaguluhan ng mga partisipante. – Bella Gamotea

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese