Home » Probinsya » Nagwagi sa Isabela, agad naiproklama

Nagwagi sa Isabela, agad naiproklama

ILAGAN, Isabela – Tumulong ang Isabela Police Provincial Office (IPPO) sa pagkalap ng mga resulta ng eleksiyon para maideklara na ang mga nanalo sa 34 na munisipalidad at dalawang lungsod sa lalawigan, sa pangunguna ng gobernador na si Faustino Dy III at Vice Gov. Antonio Albano.

Sinabi ni Supt. Narciso Paragas, tagapagsalita ng IPPO na naiproklama na ang panalong alkalde at bise alkalde sa Roxas (Benedict Calderon at Servando Soriano), Alicia (Ian Paul Dy at Joel Amos Alejandro), Angandanan (Lourdes Panganiban at Diosdado Siquian), Aurora (William Uy at Damian Duldulao), Benito Soliven (Benjamin Sanglay at Roberto Lungan), Burgos (Ruben Tegui at Fred Dela Cruz).

Naiproklama na rin ang nahalal sa Cabagan (Rodolfo Albano at Christopher Mamauag), Cordon (Laurencio Zuniega at Charlita Mariano), Delfin Albano (Thomas Pua Jr. at Edwin Badua Sr.), Jones (Letecia Sebastian at Florante Raspado), Luna (Jaime Atayde at Andy Domingo), Malig (Pedro Flores at Alamario Elizarde), Naguilan (Edgar Capuchino at Bernardo dela Pena) at Quezon (Daryl Gascon at Jimmy Gamazon Jr.). – Liezle Basa Iñigo

comments


















Translate »