Home » Balita » 12 nanalong senador, ipoproklama ngayon -Brillantes

12 nanalong senador, ipoproklama ngayon -Brillantes

 

Inanunsiyo ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr. na maari nang iproklama ngayong gabi (Miyerkules) ang 12 nanalong senador sa katatapos na May 13 midterm elections.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Brillantes na target nilang maisagawa ang proklamasyon sa 12 winning senatoriable sa ganap na 7:00 ng gabi.

Gayunman, sakali umanong hindi kayanin at may mga kulang na resulta pa ay posibleng 10 bagong senador lamang ang ipoproklama nila.

Kaugnay nito, kahapon ng umaga ay nag-reconvene ang Comelec en banc bilang National Board of Canvassers (NBOC) upang simulan na ang pagtatally ng mga election result.

Unang nag-convene ang NBOC noong Lunes ng gabi matapos ang halalan upang mag-initialize ang Consolidated Canvassing System (CCS) na siyang tumatanggap ng mga electronically-transmitted election result mula sa mga Provincial Board of Canvassers (PBOC) sa buong bansa.

Kabuuang 36,772 voting center sa buong bansa ang inaasahang magpapadala ng resulta ng botohan na isinagawa sa 77,829 clustered precinct.

Mahigit 52 milyon naman ang mga rehistradong botante ng Comelec bagamat sa pagtaya ni Brillantes ay maaaring 70% lamang ang bumoto sa eleksiyon.

Habang sinusulat ang balitang ito, nakapagpadala na ng electronic Certificates of Canvass (COC) ang Guimaras na may 100,000 registered voter at sumunod ang Paranaque na may 277,000 botante.

Kaugnay nito, batay sa partial at unofficial tally ng accredited citizen’s arm ng Comelec na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) (as of 11:21 a.m. May 14), nananatiling nangunguna sa halalan sa pagka-senador si Grace Poe na may 14,521,131 boto.

Sumunod sina (2) Loren Legarda (13,279,661), (3) Alan Peter Cayetano (12,565,938), (4) Francis Escudero (12,561,370), Nancy Binay (11,831,770), (6) Sonny Angara (11,415,772), (7) Bam Aquino (10,994,633), (8) Koko Pimentel (10,529,473), (9) Antonio Trillantes III (10,117,296), (10) Cynthia Villar (9,850,921), (11) JV Ejercito (9,774,567), (12) Gregorio Honasan (9,434,520) at (13) Richard Gordon (9,023,741). – Mary Ann Santiago

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese