Home » Maganda ang Buhay » MAHABANG BUHAY

MAHABANG BUHAY

 

“Look to your health, and if you have it, praise God and value it next to a good conscience; for health is the second blessing we mortals are capable of, a blessing that money cannot buy.”

Ibinigay na paliwanag iyan ni Isaac Walton. Ipinaliwanag naman ni C.C. Colton ang ganito: “The poorest man would not exchange his health for money; the richest man would gladly part with all his money for health.”

Napakahalaga ng ating kalusugan! Iyan ang lahat sa ating buhay. Itinuturing kong lalagyan iyan ng ating kaligayahan. Katulad niyan ay isang baso na kung basag, marumi at biyak ay ‘di natin maiinuman.

Ito ang kasabihan ng mga Arabyano: SINUMANG MAY PAG-ASA AT SINUMANG MALUSOG AY MAY PAG-ASA AY MAYROON NANG LAHAT.

Nagtanong ang awtor ng artikulong How to Rebuild Your Body nang ganito: Ipagpapalit mo ba ang dalawang oras mo araw-araw para sa kalusugan upang 15 taon ang maidagdag sa iyong buhay? Kailangan lamang ay disiplinahin natin ang ating sarili upang sumunod sa direksyon tungo sa wastong kalusugan.

Narito ang ilang payo ni Dr. Thomas Kirk Cureton na para sa mas malusog at mas mahabang buhay:

Maglakad araw-araw, Mag-ehersisyo bago mag-almusal at bago matulog, Maligo ng malamig na tubig sa loob ng anim na araw at mainit ang ipampaligo sa ikapitong araw. Pagkatapos maligo, sundan ito ng mariing kuskos ng malaking tuwalya sa katawan, Maglakad ng matagal o lumangoy. Ito ay libangang nagpapagalaw ng buong kalamnan, Kumain ng maraming prutas, gulay at pagkaing may protina, Iwasan ang pagkain ng maraming kanin at ng mga pagkaing mamantika, matamis at maalat.

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese