Home » Punto for Punto » BAGONG USO

BAGONG USO

 

Kabi-kabila ngayon ang mga batang nawawala na diumano ay ninanakaw ng mga walang hiyang walang magawa. Sa Taguig ay kung ilang bata na ang nawala at ngayon ay hindi pa nakikita ng mga magulang. Ano ba ang ginagawa ng mga walang pusong nagsisipagnakaw na iyon ng mga bata sa mga ito?

Sinasabing ang mga ninanakaw na bata ay binebenta laluna sa mga mag-asawang minamalas na hindi magkaanak. Ano ba ang akala ng mga ito sa mga ninanakaw nilang bata, mga tuta? Mayroon namang nagsasabi na ginagamit diumano ang mga batang ito para “mamalimos” na siyempre pang ang napapalimusan ay kinukuha nila. Ginagawang tagapaghanapbuhay ang mga ito.

Ayon sa balita, mayroon pang isang batang nawala na nang matagpuan ay patay na, walang ulo at ang mga lamang loob ay nawala na rin. Kung sa bagay, bahagi rin naman ng dahilan ang mga magulang kung bakit nawala ang kanilang mga anak. Karamihan kasi ngayon sa mga magulang ay pabaya sa mga anak nila. Mayroong sa halip na alagaan at subaybayan ang anak ay naloloko sa “tong-it”. Mayroong nawiwili sa panonood ng kung anu-anong drama sa telebisyon. Mayroon pang ang kinalolokohan ay ang “pagti-text” kung kani-kanino. Pagkatapos, kapag nalamang nawala ang anak ay maglulumpasay, ngangawa.

Ang malungkot pa, nagiging kawawa ang mga pulis sa mga nangyayaring ito. Kapag nawala ang kanilang anak at hindi matagpuan ng mga pulis ay mga pulis ang binubuntunan ng sisi. Bakit, mga superman ba ang mga pulis?

Para maresolba ang pagnanakaw na ito sa mga bata, ang kailangan ay pagtutulungan. Pagtutulungan ng mga magulang, ng mga opisyal ng barangay, ng Simbahan at ng buong kumonidad. Ang pagnanakaw laluna ng mga bata ay hindi magtatagumpay kung hindi nagtutulong-tulong ang lahat.

Kawawa ang mga batang magiging biktima ng “usong” ito sapagkat mawawalan sila ng magandang kinabukasan. At ito ay dapat na isaisip laluna ng mga pabayang mga magulang.

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese