Home » Pahina Siyete » PABAHAY

PABAHAY

UMAABOT sa may 3,900 na recipient ng programang pabahay ng pamahalaag panlalawigan ng Rizal ang dumalo sa pulong sa Ynares Center kamakailan at tinalakay at pinag-usapan ang kuwalipikasyon at ang paraan ng pamamahagi ng mga bahay at lote. Ang house and lot ay nasa Southville 9 Phase II, Ynares Village, Barangay Pinugay sa bayan ng Baras.

Sa kabuuang bilang ng mga recipient na nagpatala, 1,784 aplikante ang sumailalim sa balidasyon at kuwalipikado na samantalang ang 2,081 ang kaslukuyang sumailalim ng validation at naghihintay ng resulta ng paunang kuwalipikasyon.

Ang housing program ng pamahalaang panlalawigan ay nakapagbigay na ng pabahay sa mahigit nang 25,000 pamilya sa pagtatapos 2012. Dahil dito, ang programa sa pabahay ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal ay tumanggap ng pagkilala mula sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP). Ang plake ng pagkilala ay ibinigay mismo ni Pangulong Noynoy Aquino sa isang simpleng seremonya sa Malacañang.

Nakikipagtulungan din ang pamahalaan panlalawigan sa iba’t ibang local at international na mga non-government organization tulad ng Habitat for Humanities, Red Crescent, Rotary International, Plan Philippines at Gawad Kalinga upang makapagbigay pa ng mga karagdagang pabahay na abot-kaya para sa mga wala pang bahay na mga Rizalenyo kasama ang pangkabuhayang mga oportunidad.

Ang huling talang ito ng mga recipient sa pabahay na karamihan ay mula sa mga kritikal at mapanganib na mga lugar sa lalawigan. Prayoridad na ilipat sila bilang bahagi ng disaster risk reduction anad management (DRRM) program. Inaasahang makalipat sa kanilang bagong tahanan simula ngayong buwan ng Abril.

Ayon kay Rizal Gob. Jun Yanres III, patuloy na maghahanap ang pamahalaang panlalawigan ng iba pang pamamaraan upang makapagbigay ito ng pinakamataas na pamantayan ng serbisyo publiko para sa mga mamamayan ng lalawigan.

Incoming search terms: