Home » Pacquiao, Pagtanaw at Pananaw » KRIS, DINAIG ANG MGA TYCOON

KRIS, DINAIG ANG MGA TYCOON

Dinaig pa ni Kris Aquino, bunsong kapatid ni Pangulong Noynoy Aquino, ang mga kilalang taipan-tycoon at mayayamang Pinoy sa pagbabayad ng income tax (buwis) sa Bureau of Internal Revenue.

Nagbayad ang kontrobersiyal na actress na dating maybahay ni basketball player James Yap ng P49.87 milyon para sa taong 2011. Sa ulat noong Martes, wala isa mang tycoon na kabilang sa Forbes 10 Richest People sa mundo ang nakalista sa 10 pangunahing taxpayer na nagbayad ng malaki at tamang buwis kasama ni Kris Aquino.

Aba, nakapagtatakang nadaig pa ni Kris at maging ni Bossing (Vic Sotto) ang mga ubod yamang taipan at tycoon na ang mga negosyo ay hindi lang sa Pilipinas kundi kalat maging sa iba pang panig ng daigdig. Maging ang bilyonaryong boxer-congressman na si Manny Pacquiao ay malayung-malayo sa listahan ng biggest taxpayers. Ano na ang nangyari sa mga income nina Lucio Tan, Henry Sy, John Gokongwei, Roberto Ongpin?
Nasaan ang kanilang limpak-limpak (hindi sandamakmak) na tubo o kita mula sa kanilang malalaking negosyo?

Nakikiusap si Pope Francis sa mga pari na isagawa/ipraktis ang kanilang ipinangangaral sa mga mananampalataya dahil nasa krisis ngayon ang integridad at reputasyon ng Simbahang Katoliko bunga ng mga eskandalo na kinasangkutan ng mga pedophile-priest, kurapsiyon, intriga at iba pang kontrobersiya na maging ang ilang Cardinal at Arsobispo ay sinasabing sangkot.

Ipinakita ni Pope Francis ang magandang halimbawa ng isang paring Katoliko sa pagiging mapagpakumbaba at payak sa pagtanggi sa mga “trappings“ na papacy. Hindi siya marangya, extravagant at pabongga tulad ng ibang mga kilalang tao sa mundo.

Isipin at suriin ninyong mabuti mga ka-Pinoy, este kababayan, na maging sa pagbabayad ng buwis ay may umiiral ding DISKRIMINASYON laban sa mga mahihirap at ordinaryong empleado. Ang pangkaraniwang manggagawa ay nagbabayad ng tamang buwis (withholding tax) samantalang ang mga tycoontaipan at mayayamang negosyante at propesyonal, gaya ng doctor, abugado atbp ay nagbabayad lang ng kakapurit kumpara sa kanilang santambak na kita. Only in the Philippines.

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese