Home » Showbiz atbp. » Jun Ynares, laging may oras sa pamilya kahit sobrang busy

Jun Ynares, laging may oras sa pamilya kahit sobrang busy

 

“Bibigyan ko pa rin ng sapat na oras at atensiyon ang pamilya ko kahit ako ay mayor na ng Antipolo, Rizal.“

Jun YnaresIto ang pahayag ni Jun Ynares, kasalukuyang gobernador ng Rizal at inaasahang magiging susunod na mayor ng Antipolo, ang Pilgrimage Capital ng Pilipinas.

Ito ang ipinahayag ni Jun sa harap ng mga tanong kung magkakaroon pa rin siya ng panahon para sa asawang si Andeng Bautista-Ynares at dalawang anak na sina Cassandra at Via kapag naupo na siyang alkalde ng Antipolo sa Hunyo.

Tiniyak ni Jun na mapauunlad pa niya ang Antipolo, gaya ng nagawa niya sa buong lalawigan, nang hindi napapabayaan ang kanyang mag-iina.

Sa ilalim ng pamumuno ni Jun, kinilala ang Rizal bilang isa sa mga lalawigang nangunguna sa kaunlaran, yaman, kalusugan, kapayapaan, kaayusan at husay sa pamamahala.

Kasama rito ang pagkilala ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Rizal, sa ilalim ng pamamahala ni Jun, bilang “province with the best road network“ o may pinakamaayos na mga kalsada noong 2010 at 2011.

Kasabay nito, kinilala rin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagsusulong ng Rizal sa mga prinsipyo ng transparency at accountability kaya binigyan ang probinsiya ng Seal of Good Housekeeping.

Nakamit din ng Rizal, sa pamamahala ni Jun, ang pagkilala bg Department of Health (DOH) sa pagsusulong ng Universal Health Care. Si Jun naman ay kinilalang health reform champion ng Calabarzon region.

Hindi na rin mabilang ang mga silid-aralan at gusaling naipatayo ng pamahalaang panglalawigan, sa ilalim ng pamunuan ni Jun.

“Sa kabila ng madami naming nagawa para sa mga Rizalenyo, sinikap ko pa ring tuparin ang tungkulin ko sa aking pamilya,“ sabi ni Jun.

“Handa akong harapin ang hamon ng pagbalanse ng aking tungkulin bilang aman ng Antipolo at ama ng aking mga anak,“ dagdag pa ni Jun.

Pangunahin sa mga plano ni Jun para sa Antipolo ang magkaroon ito ng sariling ospital at sariling University of Antipolo. Layunin din ni Jun na ayusin ang kalagayan ng kapayapaan sa lungsod at pagbutihin ang sistema ng edukasyon at pangangalaga sa kalusugan ng mga Antipolenyo.

“Kailangan ding bigyan ng isang pamahalaang maayos at malinis ang mga taga-Antipolo,“ sabi ni Jun.

“Ang tingin ng mga taga-Antipolo ay napag-iwanan na sila ng ibang mga siyudad sa Calabarzon kaya ibubuhos natin ang panahon sa pag-angat at pagabante ng ating lungsod,“ ani Jun.

Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese