Home » PRANGKAHAN » Bakit nagbalak na mag-quit sa showbiz si Kris Aquino?

Bakit nagbalak na mag-quit sa showbiz si Kris Aquino?

ni Dindo M. Balares

Kris AquinoIPINAGKATIWALA ni Kris Aquino sa inyong lingkod ang isa sa mga dahilan, at sa palagay ko ay ito ang pinakamalalim na rason, kung bakit binalak niyang mag-quit sa showbiz.

“Nagkausap at nagkaayos na kami ng ABS-CBN,“ sabi ng Queen of All Media nang tumawag kamakalawa ­ nang lumabas sa kolum na ito ang aking unsolicited advice sa kanya na huwag niyang ituloy ang resignation sa ABS-CBN.

Kinahapunan nang araw ding iyon naglabas ng statement ang Dos na hindi na siya magre-resign kundi magli-leave na lang.

“Ipapagamot ko kasi through stem cell therapy sa Singapore this June si Josh, Kuya Dindo,“ aniya.

Nagkuwento si Kris na naencourage siya sa positibong resulta sa pagpapagamot ng anak ng kanyang isang kaibigan na may katulad na kaso ng Attention Deficit Hyper-activity Disorder (AD-HD) ng kanyang panganay.

“Hindi nakakapagsalita ang anak ng friend ko, in fact wala rin kahit eye contact, pero after ng treatment ang laki-laki ng improvement, at nakakabuo na ng full sentence,“ kuwento pa niya.

“Gusto kong i-try. Kasi ayokong maisip pagdating ng araw na may means naman ako to avail the treatment pero hindi ko ginawa.“

Kailangan ang 100% ng panahon ni Kris habang nagpapagamot si Josh.

“Sa mother kasi kukunin ang gagamiting biological cell. Eh, di ba, ang dami-dami kong allergy kapag nagpapa-hospital ako?“

Kaya binalak niyang talikuran na ang lahat.

Ang ina, anuman ang kalagayan sa buhay, ay nakalaang magsakripisyo para sa kanyang anak.

–ooOoo
Naunawaan ng ABSCBN ang sitwasyon niya. Nagkasundo si Kris at ang management nito na sa halip na resignation ay on-leave lang siya.

Pero may malaking problema pa rin, paano na ang 55 staff na sa KrisTV umaasa ng kabuhayan?

“Kailangan naming mag-advance taping kasi, di ba, enrollment na,“ sabi ng Queen of All Media.

–ooOoo
Heir ng isa sa wealthiest families sa Pilipinas, nasa top 20, ang isa sa nag-call ng atensiyon ng inyong lingkod noong panahong bugbog-sarado sa kritisismo ng inyong lingkod si Kris Aquino, bukod pa siyempre sa napakaraming readers na tagahanga niya.

Yes, hindi lang po masa ang sumusubaybay at naghahangad na sana ay maging “relevant“ din naman, kahit papaano, ang showbiz.

“Si Cory (Aquino) ang nagpalaki sa kanya, imposible kung wala man lang nakuhang values `yan sa mommy niya,“ sabi ng iginagalang kong personalidad.

Madalas, katigasan ng ulo ang pinaiiral ng kolumnis ito. Pero masunurin din naman kapag mahusay na tao ang pumupuna. Hindi nga naman kailangang laging galit o laging nagtataray o laging nagmamatapang ang mga kolumnista.

Kadalasan, sa media man o sa personal na pakikipag-ugnayan, mas epektibo kung lalawakan ang pang-unawa.

–ooOoo
Hinding-hindi ko pinagsisisihan ang “tweaking“ na ginawa ko sa coverages ko kay Kris magmula noon.

Unti-unti siyang naging malapit sa akin, at ngayon ay nagtitiwala ng mga impormasyon na hindi niya sinasabi sa iba.

Saan ka pa? Ang No. 1 showbiz personality na hinahabul-habol naming lahat para mainterbyu, siya pang tumatawag sa inyong abang lingkod ngayon.

–ooOoo
Lessons, lessons…. Madali akong maiintindihan ng mga katulad kong isinilang sa hirap kapag sinabi ko na maraming aral na matututuhan sa lansangan. O maging sa pinanggalingan kong gubat.

True! Hindi kayo makakapaniwala kapag nalaman ninyo kung saang gubat ako nanggaling, he-he….

Pero marami ring aral na makukuha sa pinakamayayamang kababayan natin, tulad ni Kris at ng tinutukoy kong heir.

Mas payapa siguro ang mundo kung patuloy tayong matututo sa bawat isa.