Home » PRANGKAHAN » Nasaan na si Charice Pempengco?

Nasaan na si Charice Pempengco?

 

BLIND item muna. Natisod namin ito sa probinsiya na binisita ng entertainment press ngayong linggo.

CHARICE PempengcoAliw na aliw ang mga katoto sa kuwento tungkol sa nanay ng sikat na young actor na naimbitahan sa naturang probinsiya kamakailan. Nakipagsabayan kasi ng pamorningan na inuman si Madir sa isa sa top officials ng probinsiya, at nang tamaan na sila ay inakit-akit niya ito.

Naroong pakitaan ng cleavage, ligkis-ligkisin na parang uhaw na sawa, at papungay-pungayan ng mga mata.

Ito na ang twist, na tanong mismo ng top official sa mga katotong kaibigan niya: “Hindi ba niya alam?“

Nagkamali kasi ng inakit-akit si Madir. Open secret sa naturang probinsiya na ang top official ay lalaki rin ang hanap.

“Nakakaloka si Madiraka!“ chorus na sabi ng mga katoto na tawanan nang tawanan, kasama ang top official.

–ooOoo
Nasaan na si Charice Pempengco?

Kahit papaano, masasagot na siguro ang katanungan na ito sa amin ng napakarami nang readers sa pamamagitan ng retrato ni Charice na nakuha namin kahapon sa post sa Facebook ng dating PR man ng GMA-7 na si Jayce Perlas.

Ang naturang retrato ay natrace namin sa original na nag-post nito na si Jeman Bunyi Villanueva, isang photo blogger at freelance booking agent.

Ipinagpaalam namin kay Jeman, sa pamamagitan ng private message sa kanyang Facebook account, ang paggamit sa retrato sa kolum na ito. Bagamat hindi siya nakapag-reply ay itinuloy namin ang paggamit sa kapakanan ng napakarami nang mambabasa na naghahanap ng updates kay Charice.

Photo speaks a thousand words, `ika nga.

–ooOoo
Matagal nang kumakalat ang bali-balita na binitiwan si Charice nina Oprah at David Foster. Kung ano ang dahilan o kung totoo nga ba ito o hindi, malabo sa media.

Matatandaan na naging usap-usapan ang diumano’y pagkadismaya ng mga nagpapatakbo sa career ni Charice sa U.S. nang bumalik siya roon na ibang-iba na ang itsura at may mga tattoo na.

Naging reclusive si Charice simula nang lumabas ang naturang isyu.

May kapwa entertainment editor kami na nagsabi sa amin na ang huling isyu na nasagap niya tungkol kay Charice ay nagbebenta ito ng kotse.

Dating accessible sa local media si Charice. Katunayan, naimbitahan pa kami nang minsang magdaos siya ng Christmas party sa Shangri-La Edsa noong kasagsagan ng career niya sa America.

Kaya marami ang nagtataka kung bakit bigla siyang nananahimik.

–ooOoo
Napabalita rin a few months ago na isa sa magiging coaches sa The Voice of the Philippines si Charice.

Iniharap na ng ABS-CBN ang apat na coaches ng naturang show last Friday pero wala si Charice.

Kung naririto siya sa Pilipinas ngayon, sana ay maging accessible uli siya sa local media. Marami pa rin siyang tagahanga.

Katunayan ang napakaraming readers na naghahanap ng updates tungkol sa kanya.

–ooOoo
Samantala, mukhang ibang Lea Salonga ang mapapanood sa The Voice. Magiging prangka raw siya sa pagtuturo ng aspirants.

Kaabang-abang. (Dindo M. Balares)

Incoming search terms:

Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese