Home » Showbiz atbp. » Bela, tinalbugan si Michelle Madrigal

Bela, tinalbugan si Michelle Madrigal

 

Ni Mercy Lejarde

Bela PadillaILANG araw pa lang umeere ang seryeng Love & Lies ng GMA-7 primetime starring Richard Gutierrez, Michelle Madrigal, Bella Padilla, Bobby Andrews, Paolo Contis, Lloyd Samartino, Melissa de Leon, Luz Valdez, atbp. pero napansin na agad na angat na angat ang akting na ipinamalas ni Bela bilang sexy pole dancer.

Wagas na wagas ang pag-emote niya sa eksenang hinuhuli ng mga pulis ang kanyang kuya na ginagampanan ni Neil Ryan Sese.

Marami tuloy ang nagku-comment na tinalbugan niya ang leading lady rito ni Richard na si Michelle Madrigal kasi nga mas higit ang exposure niya sa action-drama series.

“Ginawa ko lang po ang hinihingi sa eksena at ang ipinapagawa sa akin ni Direk Mark Reyes. Wala po akong intensiyon na talbugan o higitan ang akting ng co-stars ko sa Love & Lies,” depensa ni Bela.

And take note, okay lang sa kanya kung second choice lang siya sa role na si Lovi Poe sana ang gaganap.

Lovi Poe’s lose is Bela Padilla’s gain.

“Thankful pa nga po ako kay Lovi kasi sa akin nga napunta ang role na Denise Salvador sa Love & Lies,” proud na sabi ni Bela.

Well, ito na kayang si Bela Padilla ang susunod na Marian Rivera ng Kapuso Network? Matatandaan na naging reyna si Marian sa mga Kapuso Network nang layasan ni Angel Locsin ang GMA-7 at lumipat sa ABSCBN.

Incoming search terms:

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese