Home » Dagdag Balita » Batas trapiko

Batas trapiko

Bunga ng mga aksidente sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila, nagsagawa ng malawakang operasyon ang traffic enforcers ng Land Transportation Office ( LTO ) sa Elliptical Circle, EDSA Muñoz at sa Commonwealth Avenue sa Lungsod Quezon noong Huwebes at 60 pasaway na motorista ang naaresto.

Ayon kay LTO – Law Enforcement Service Director Muhammad Yusoph Lamping layunin ng kanilang operasyon ang maipatupad ang mga umiiral na batas sa paggamit ng seat belt, anti-colurum, overloading, out-of line laluna na ang R.A 10054 o ang National Helmet Law. – Jun Fabon

Incoming search terms: