Home » Bulong at Sigaw » KRISTIYANO

KRISTIYANO

May bagong lider na sumibol sa Bulacan. Iniluwal ito ng Malolos at binigyan siya ng pagkakataon ibigay ang kanyang kakayahang ipakita ang talagang mukha ng panunungkulan. Ipinakita niya nga ito pagkatapos niyang mahalal na alkalde ng nasabing siyudad. Hinugot siya sa hanay ng kabataan na pinaglingkuran niya bilang SK Chairman. Naging konsehal siya ng bayan at board member ng unang distrito ng Bulacan. Siya ay si Christian Natividad na gumagawa ng sariling pamamaraan ng paglilingkod bagamat pwede naman niyang gayahin ang ginawa ng kanyang ama na minahal din ng mga Bulakeño, si Congressman Teodulo Natividad, dahil sa makabayang uri ng kanyang politika.

Ang pangunahing katangian ni Mayor Christian ay ang personal na pakikipagugnayan at pakikitungo niya sa kanyang nasasakupan anuman ang kanilang katayuan sa buhay. Saan man siya naroroon, ito ay bukas sa kanila para dinggin sila. Kaya, kaisa si mayor sa mga suliranin at hinaing ng mga ito. Kung lumutas siya ng kanilang problema ay parang sarili niyang problema ang nilalapatan niya ng lunas. Magaan niyang nagagawa ito dahil wasto ang paggamit niya ng kapangyarihan. Ikinakalat niya ang kayamanan ng siyudad sa lahat ng kayang abutin nito. Hindi kasi siya makasarili tulad ng mga nakararaming pulitiko. Kaya naman lumago ang negosyo sa Malolos at lumaki ang kita nito sa mga buwis na nagbubuhat sa kanila.

Testigo ang unang termino ng alkalde sa pagtindig ng mga gusaling ginagamit ngayon para sa pampublikong klinika, panganakan at health centers. Tinutulungan nito ang mga dukhang may kapansanan at pinangangalagaan ang kalusugan ng mamamayan lalo na iyong mga higit na nangangailangan. Walong bagong elementary school at siyam na bagong high school naman ang pinakakinabangan ng mga kabataan sa hangarin nilang makapagaaral at mahango sa kahirapan. 19, 497 ang iskolar ng bayan. Tumanggap ng libreng pataba at binhi ang lahat ng magsasaka, kaya naman nanguna sa buong Bulacan ang Malolos sa ani ng palay. Ang mga mangingisda naman ay may ayudang bakawan, bangka at lambat. Lahat ay nakikinabang sa yaman ng siyudad dahil ibang klaseng lider si Mayor Christian. Kristyano nga eh.

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese