Home » Balita, Showbiz atbp. » Tony Velasquez, may balitang halalan tuwing tanghalian sa ‘Balitang Bayan’

Tony Velasquez, may balitang halalan tuwing tanghalian sa ‘Balitang Bayan’

Nagsimula na nitong Martes ang Balitang Bayan, ang pinakabagong newscast na tututok sa mga makabuluhang balita tungkol sa darating na halalan at napapanood tuwing tanghalian sa Studio 23.

Tony VelasquezSa pangunguna ni Tony Velasquez bilang anchor, ang Balitang Bayan ay 30-minutong programa na pawang isyu at istorya sa darating na eleksiyon ang tatalakayin at layuning palawakin pa ang pananaw at kaalaman ng mga botanteng Pilipino.

Panoorin ang mga kandidato na sasabak sa hot seat sa “Harapan sa Tanghalian” dahil sasagutin nila ang mga isyung mahalaga sa publiko.

May pagkakataon din ang mga botante na tanungin at linawin sa Commission on Elections (Comelec) mismo ang anumang katanungan ukol sa halalan dahil linggu-linggo ay sasamahan ng isang kinatawan ng Comelec si Tony sa “Comelec Minute.”

Samantala, mas pinalakas pa ang “Bayan Mo iPatrol Mo” ng ABS-CBN News and Current Affairs sa Balitang Bayan dahil mas maraming istorya mula sa bayan patrollers ang maisasahimpapawid sa “BMPM Halalan 2013” segment.

Makakasama rin sa programa si TJ Manotoc para maghatid ng pulso ng bayan sa social media sites at ibahagi ang opinyon ng netizens nang live.

Huwag palalampasin ang Balitang Bayan mula Lunes hanggang Biyernes, 1:30 PM hanggang 2:00 PM sa Studio 23.

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese