Home » Balita » Karagatan, pinoprotektahan ang mundo sa hagupit ng climate change: study

Karagatan, pinoprotektahan ang mundo sa hagupit ng climate change: study

 

OSLO (Reuters) – Mabilis na lalala ang climate change kapag ang malaking dami ng sobrang init ay pinakawalan pabalik sa hangin, sinabi ng mga scientist matapos pasinayaan ang bagong pananaliksik na nagpapakitang nakatulong ang karagatan sa pagbawas sa epekto ng pag-init ng mundo simula 2000.

Ang heat-trapping gases ay mas mabilis na napakakawalan sa atmospera, at ang 10 pinakamaiinit na taon magmula nang magsimula mga pagtatala ay naganap lahat simula noong 1998. Ngunit tila bumagal ang antas ng pag-init ng mundo simula noon, nagtulak sa scientists na maghanap ng mga paliwanag sa paghintong ito.

Sinabi ng mga eksperto sa France at Spain noong Linggo na hinihigop ng karagatan ang mas maraming init mula sa hangin simula 2000. Nakatutulong ito sa pagpapaliwanag ng pagbagal sa surface warming ngunit nagpapahiwatig na ang paghintong ito ay maaaring pansamantala at panandalian lamang.

“Most of this excess energy was absorbed in the top 700 meters (2,300 ft) of the ocean at the onset of the warming pause, 65 percent of it in the tropical Pacific and Atlantic oceans,” sulat nila sa journal na Nature Climate Change.

Sinabi ng lead author na si Virginie Guemas sa Catalan Institute of Climate Sciences sa Barcelona na maaaring magbalik sa atmospera ang nakatagong init sa susunod na dekada, at muling magpapainit sa mundo.

“If it is only related to natural variability then the rate of warming will increase soon,” aniya sa Reuters.

Sinabi ni Caroline Katsman of the Royal Netherlands Meteorological Institute, eksperto na hindi sangkot sa bagong pag-aaral na ang init na hinigop ng dagat ay magbabalik sa atmospera kung ito ay bahagi ng ocean cycle gaya ng “El Nino” warming at “La Nina” cooling events sa Pacific.

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese