Home » Sports » PH cyclists, kulang sa preparasyon

PH cyclists, kulang sa preparasyon

 

Tumapos na nasa ikasiyam sa stage team classification ang Team Seven Eleven Roadbike Philippines upang manatiling nasa top 10 ng overall team standings sa penultimate day ng 2013 Princess Maha Chackri Srindhons Cup Tour of Thailand na sinimulan sa bayan ng Ranong at nagtapos sa KahoLak.

Nakapagtala ang Philippine continental team ng kabuuang tiyempong 14 :17:45., nahuli lamang ng 22 segundo sa nangunang Seoul Cycling Team (14:17:23), buhat sa pinagsamang tiyempo nina Ronnel Hualda na tumapos na pang-11, Jerry Aquino na nakatawid na pang-36 at Baler Ravina na nakatawid na pang-42. Tinapos ng stage winner na si Cho Ho Sung ng SCT ang 195 kilometrong karera sa kabuuang oras na 4:45:33.

Gaya ng tatlo, tumapos din ang dalawa pa nilang kakampi na sina Mark John Lexer Galedo at Harvey Sicam na nakatawid na pang-57 at 69, ayon sa pagkakasunod, at nabigyan din ng parehas na oras na gaya ng may 83 pang mga siklista na kasama nila sa massed finish.

Dahil dito, wala ring pagbabago sa posiyon nina Ravina at Galedo sa overall individual classification na pang-32 at 33, may layo pa ring tatlong minuto sa overall leader na si Aziz Mohd Saiful Anuar ng Terengganu Cycling Team.

“Medyo hirap `yung team kasi bukod sa maikli lang `yung preparasyon, puro patag kasi `yung ruta, dun lang sa Stage 4 medyo maraming ahon kaya nakaporma ng konti sina Baler at Mac-Mac,“ pahayag ni Team Seven Eleven team manager Engineer Pablito Sual.

Samantala, nakatakdang matapos ang karera sa pamamagitan ng Stage 6 na may distansiyang 105.5 kilometro na gaganapin sa bayan ng Khao-Lak at Phangnga. – Marivic Awitan

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese