Home » Probinsya » Illegal logs naharang sa Capiz

Illegal logs naharang sa Capiz

Kasabay ng nararanasan tag-init, pinalakas ng Western Visayas Police Office ang kanilang kampanya laban sa illegal logging matapos maharang sa inilatag na checkpoint sa bayan ng Ivisan, lalawigan ng Capiz ang isang truck ng illegal logs.

Sinampahan ng kasong paglabag sa PD 705 o Forestry Reform Code of the Philippines ang inarestong driver at may-ari ng Mitsubishi Fuso Stake truck na si Viernesto Jarce, 34, sa tangkang pagpupuslit ng mga troso sa Sitio Pinamantawan, Barangay Mianay, ng naturang bayan.

Sinabi ni P/Supt Jacob Crisostomo ng Capiz Police Provincial Office (CPPO), nasamsam sa suspek ang iba’t ibang uri ng kahoy.

Nakapiit ngayon sa Ivisan Police station ang suspek at nakatakdang i-turn over ang mga ebidensiya sa pangangalaga ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 6. – Fer Taboy

comments


















Translate »