Home » Showbiz atbp. » Nora Aunor, binuhat ala ‘Himala’

Nora Aunor, binuhat ala ‘Himala’

Ni Pit M. Maliksi

PARANG huling eksena sa pelikulang Himala ang nangyari kay Nora Aunor pagkatapos siyang parangalan ng Cultural Center of the Philippines at National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa 5th NCCA Dangal ng Ani Awards sa kategoryang Cinema. Binigyan si Nora ng Sari-Manok trophy dahil sa kanyang nakamit na dalawang international best actress awards sa 6th Asia Paficic Awards sa Brisbane Australia at Bisato d’Oro Award sa Venice, Italy noong 2012.

Habang palabas ang superstar sa Tanghalang Aurelio Tolentino pagkatapos ng programa, may mga nakapansin sa kanyang pilay na paglalakad. Nabigla si Nora Aunor nang buhatin siya ng kabataang CCP ushers at fans hanggang sa kanyang sasakyan. Naaliw ang mga dumalo sa nakita na nagpaalala sa ending ng Himala.

Punung-puno ang Tanghalang Aurelio Tolentino ng cineastes at literati, na hindi napigilang magbigay ng masigabong pagbubunyi nang tawagin si Nora Aunor upang tanggapin buhat sa NCCA Chairman Prof. Felipe de Leon, Jr. ang 2013 Dangal ng Ani sa Cinema.

Pinarangalan din sina Sharmaine Buencamino, Briliante Mendoza, Lav Diaz, Aureaus Solito at iba pang mga nanalo ng unang karangalan sa international competitions kasama si Sarah Geronimo sa kategoryang Multi-Disciplinary Arts at ganoon din si Kara David.

“Si Nora Aunor ang prueba na mahuhusay talaga ang mga Bicolano,“ pabirong sambit ni Shairmane na isa ring mahusay na Bicolana.

comments
  • amy ling

    congratulations, ms nora aunor!

  • guybert17

    mabuhay ka ate guy!!! tunay kang inspirasyon sa maraming gaya ko :) god bless and more power po!!!



















Translate »