Matapos ang pagkatalo ni Michael Bisping kay Vitor Belfort, sumentro ang usapan kay Chris Weidman na susunod na challenger ni Anderson Silva, ang longtime UFC middleweight kingpin.
Iniulat ni Long Island Newsday reporter Mark La Monica kahapon na sinabihan ni UFC CEO Lorenzo Fertitta si Weidman na pumayag na si Silva upang laban siya sa isang promotion’s planned UFC 162 fight card sa Hulyo 6.
Kinumpirma rin ito ng MMAWeekly.com hinggil sa sinabi ng sources na malapit sa laban na naplantsa na ang deal.
Nag-usap sina Fertitta at Weidman habang ang dalawa ay nasa New York State Capitol sa Albany, nakikipaglobby sa state upang tapusin ang sanction mixed martial arts.
“Dream come true,“ pahayag ni Weidman sa Newsday. “Ever since I’ve been fighting, Anderson Silva has been the champion and I’ve been visualizing beating him. Now I have the opportunity. I have to make the most of it.“
Si Weidman ay undefeated sa 9-0 sa kanyang professional career, rumolyo sa lahat ng lima sa kanyang UFC opponents. Ilan sa kanyang nakaraang panalo ay kinabilangan knockout kay Mark Munoz at unanimous decision victory laban kay Demian Maia bago tumalon ang Brazilian sa welterweight division.
Ang New Yorker ang kinukonsiderang No. 1 contender ni Silva sa titul simula pa sa nakaraang summer.
Si Silva (33-4) ay `di pa natatalo sa Octagon, napagwagian ang lahat ng 16 sa kanyang UFC bouts.
Napasakamay nito ang UFC middleweight championship simula pa noong 2006.
Si Silva ay ang dominanteng kampeon sa kasaysayan ng UFC, at kinukonsidera bilang top pound-forpound fighter sa mundo.

