Home » Tennis » Sampras, ipinagtanggol ang tennis players

Sampras, ipinagtanggol ang tennis players

LOS ANGELES (AP) – Naniniwala si Pete Sampras na walang bahid ng performance enhancing drugs ang tennis ngayon, at maging sa kanyang 14 taong pamamayagpag na natapos noong 2002.

Sinabi ng may-ari ng 14 titulo sa Grand Slam, sa kanyang pananaw ay wala ni isa sa mga pangunahing player ang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ang lahat ng top tennis players ay isinasailalim sa testing ng walang pasabi. Ang pag-amin ni Lance Armstrong sa doping noong Enero sa lahat ng kanyang pitong pagwawagi sa Tour de France ay naging dahilan upang mas bigyang pansin ang doping sa lahat ng isport.

‘’It’s just my feeling,’’ pahayag ni Sampras noong Lunes matapos niyang makipagtambal kay Novak Djokovic sa doubles event ng Los Angeles Tennis Challenge Exhibition.

‘’I don’t think players are that sophisticated in tennis,” patungkol nito sa masalimuot na sistema ng doping na ginawa ni Armstrong upang hindi mahuli. `’It’s not their culture. I don’t think it’s in their nature.”

Noong nakaraang buwan, pinatawan ng International Tennis Federation ng anim na buwan na ban ang 124th-ranked na si Barbora Zahlavova Strycova ng Czech Republic dahil sa doping. Siya ay nagpositibo sa stimulant na sibutramine sa isang torneo bago ang pagtatapos ng 2012. Aniya, napunta sa kanyang sistema ang droga dahil sa isang supplement na kanyang ginagamit at itinangging ginamit niya ito upang magdagdag lakas sa kanyang paglalaro.

`’It’s a random case here or there,” pahayag ni Sampras. `’I don’t see the top guys messing around with that. Maybe I’m naive.”

Incoming search terms: