Binalaan ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang publiko na magingat sa mga taong nagpapakilalang “PDEA agent.“
Ito ang panawagan ni PDEA Director General Arturo G. Cacdac, Jr. kasunod ng pagkakaaresto kay PO1 Khomenie Dacula kasama ang tatlong iba pa na nakipagbarilan sa mga operatiba ng PNP Highway Patrol Group (HPG).
Nauna rito pinara ng mga operatiba ng HPG ang grupo ni Dacula dahil sa kahina-hinalang kilos habang sakay ng kanilang kotse sa Parañaque City.
Ngunit sa halip na tumalima, bigla umanong pinaharurot ng mga suspek ang kanilang sasakyan hangang sa magka habulan na nauwi sa barilan. Napatay si PO1 Dacula habang sugatan ang isa nitong kasamahan sa insidente.
Nakumpiska sa mga suspek ang pitong pekeng PDEA t-shirt at tatlong baril.
Aniya, ang paggamit ng pangalan ng PDEA ay taktika ng mga kriminal sa pagggawa ng ilegal na aktibidad sa pag-aakalang sila ay makalulusot sa mga awtoridad.
Sinabi ng PDEA may kaakibat na batas laban sa hindi awtorisadong gumagamit ng uniporme ng PDEA o tatak nito na nasaad sa ilalim ng Revised Penal Code. – Jun Fabon

