INDIAN WELLS, Calif. (AP) – Kinubra ni Svetlana Kuznetsova, muling nagbalik matapos ang anim na buwang pagpapahinga sanhi ng right knee injury, ang 6-3, 6-1 victory kontra kay Andrea Hlavackova sa opening round ng BNP Paribas Open tennis tournament sa Indian Wells Tennis Garden.
Hindi naglaro si Kuznetsova, naging dalawang beses na Grand Slam champion at dalawang beses na runner-up sa $10 million event na ito, makaraan ang Wimbledon noong nakaraang season sanhi ng pinsala at ang dating world No. 2 ay nasa ranggong No. 85 noong Enero 6. Siya ngayon ay nasa No. 46 makaraan ang kanyang matagumpay na matinding pagpapamalas sa quarterfinal sa Sydney, Australia, at sa Australian Open kung saan ay pwede niyang ipagpatuloy ang pag-akyat kung magwawagi kay No. 18 Jelena Jankovic sa second round.
Sa naging panalo ni Kuznetsova, ‘di naman naging maganda ito sa opening day para sa Americans. Pinataob naman ni Mallory Burdette, ang 22-anyos na qualifier mula sa Macon, Ga., ang kapwa American at 38-anyos na si Jill Craybas, 6-3, 6-1, upang umabante sa ikalawang round.
Naging maganda ang panimula ng 24-anyos na si Vania King nang pagwagian ang first-set tiebreaker mula kay Silvia Soler-Espinosa ng Spain, ngunit rumolyo ang Spanish Olympian sa sumunod na dalawang sets para sa 6-7 (7), 6-2, 6-1 win. Nakamit naman ni Lauren Davis, ang 19-anyos na Floridian, ang 6-2, 60 pagkatalo sa 21-anyos na si Simona Halep ng Romania.
Naglaro rin kahapon ang Americans na sina Christina McHale, Grace Min at Maria Sanchez kung saan ay nakaharap ng No. 48 na si McHale si No. 50 Tsvetana Pironkova ng Bulgaria.

