Home » Editoryal » IPAGDIWANG NATIN INTERNATIONAL WOMEN’S DAY

IPAGDIWANG NATIN INTERNATIONAL WOMEN’S DAY

Sa buong kasaysayan, ginagampanan ng kababaihan ang mahalagang tungkulin sa kaunlaran ng sibilisasyon at lipunan sa buong mundo. Upang mapalawak ang pag-unawa, kaalaman, at pagkatalaga sa pagtataguyod ng gender equality at pagbibigay ng kapangyarihan sa kababaihan, ang International Women’s Day, na kilala rin bilang United Nations Day for Women’s Rights and International Peace, ay ipinagdiriwang tuwing Marso 8. Ang tema para ngayong taon ay “The Gender Agenda: Gaining Momentum“.

Karamihan sa mahigit isang bilyong maralita sa daigdig ay babae. Karaniwang tumatanggap ang kababaihan sa pagitan ng 30 at 40 porsiyentong mas mababang suweldo kaysa kinikita ng kalalakihan sa parehong trabaho. Ang mga tagapagtanggol ng kababaihan na kumikilos para sa isyung may kinalaman sa mga karapatan sa ekonomiya, lipunan at kultura, pati na rin ang karapatang pang-sibil at pulitika ay tinatarget na rin.

Sa harap ng maraming paghamon, isinilang ng ika-20 siglo sa maraming matagumpay na babae na nakagawa ng mahalagang kontribusyon upang magkaroon ng pagbabago sa pulitika at lipunan ng kanilang bansa, ay tumutulong kababaihan na mag-isip sa mas malawak na pananaw, magtamo ng mas makataong pagkilos upang matugunan ang situwasyon ng kababaihan, at maging mga simbolo ng kalakasan ng mga babae sa isang lipunang pinaghaharian ng mga lalaki.

Ngayon sa ika-21 siglo, nagsasalita na ang kababaihan upang maprotektahan ang kanilang mga karapatan. Nililinang nila ang kanilang lakas bilang mga ina, maybahay, anak, kaibigan, guro, pigura sa pulitika at kawanggawa, ay tumatahak sa landas na ginawa ng mga babaeng nakagawa na ng malaking pagbabago sa kanilang mga bansa at nanatiling pitak sa kasaysayan.

Binabati natin ang United Nations sa pangunguna ni Secretary General Ban Ki-Moon, United Nations Entity for Gender Equality at Empowerment of Women Executive Director Michelle Bachelett, Commission on the Status of Women Chairman Garen Nazarian, UN Human Rights Commissioner Navi Pillay, UN Economic and Social Council President Nestor Osorio Londono, iba pang leader sa buong mundo sa kanilang pagsisikap na isulong ang radikal at makasaysayang pagbabago sa buhay ng kababaihan. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!

Incoming search terms: