Home » Tiyempista » Importasyon ng pangarerang kabayo, palawigin

Importasyon ng pangarerang kabayo, palawigin

Matapos ang pormal na pagbubukas ng Metro Manila Turf Club (MMTC) sa Malvar, Batangas, ang ikatlong karerahan na pinagdarausan ng mga karera, pinangangambahan na kulangin ang populasyon ng kabayong pangarera sa bansa.

Mananatiling bukas ang importasyon ng kabayo upang mapunan ang kinakailangang mga kabayo upang isabak sa tatlong karerahan.

Layon ang maluwag na importasyon ng mga imported na kabayo upang lalo pang mapalaki ang horse breeding sa bansa.

Nagsimula ang pagbibigay ng kaluwagan sa importasyon noon pang 2011 matapos magkaroon ng kakapusan ng kabayong pangarera sa Santa Ana Park at San Lazaro Leisure Park sa lalawigan ng Cavite.

Isa sa mga dahilan ng kakulangan ng kabayo ay ang pagkakapilay ng mga paa o namatay sa gitna ng laban at ensayo matapo atakihin.

Katuwang ng Philippine Racing Commission ang Bureau of Animal Industry sa pag-iimporta ng mga kabayo.

Ilan sa mga pangunahing horse owner sa bansa ang nakapagparating na ng mga imported na kabayong pangarera habang ang iba ay patuloy naman ang pag-aangkat.

Kamakailan, ilang mga kabayong pangarera mula sa Australia ang dumating at kabilang din ang Amerika at New Zealand sa pinagkukunan ng kabayo.

Naniniwala si Philracom Chairman Angel Castaño Jr. sa paraan ng horse breeding para mapunan nito ang kakulangan ng populasyon ng kabayo, partikular na sa bagong bukas na karerahan ng MMTC.

Incoming search terms: