Home » Showbiz atbp. » Hirap sa ‘Juan de la Cruz,’ bawi sa high ratings

Hirap sa ‘Juan de la Cruz,’ bawi sa high ratings

Ni Reggee Bonoan

Coco MartinMAY nag-text sa amin noong Miyerkules ng hapon, nagtanong kung nasa Quiapo kami dahil may taping daw doon si Coco Martin para sa Juan de la Cruz kasi magpapa-picture raw sila.

“Nandito po ba kayo, Ms Reggee? Gusto sana naming magpa-picture, hindi kami makalapit kasi ang daming bantay, mahigpit masyado,“ sabi sa amin.

Naalala namin ang sabi sa amin ng direktor ng Juan de la Cruz na si Malu Sevilla nang banggitin namin na gusto namin siyang dalawin sa taping niya sa Quiapo.

“Naku, Reggs, huwag na, sobrang init at dami ng tao, mahihirapan lang kayo, hindi komportable, hindi rin kayo makakatagal,“ sabi ni Direk Malu noon.

Inaabot nga raw ng tatlong oras bago siya makapag-shoot dahil sa paghahanda ng mga barangay tanod, marshalls at pulis sa lugar at nagpapasalamat siya sa mga tagaQuiapo dahil mababait at madaling pakiusapan.

Pahirapan sa location taping pero nagpapasalamat ang buong Juan de la Cruz team dahil sa
magandang feedbacks at mataas na ratings ng fantaserye.

Noong Martes (Marso 5), nang lumabas ang Espada ng Katapangan ay umabot sa 36.1% ang national TV ratings, 14% ang lamang sa Indio (22.1%) na katapat nito sa GMA.

Lalo kasing nagiging excited ang televiewers ngayong unti-unti nang binabago ng bakal na krus ang buhay ni Juan. Handa na rin si Juan para panindigan ang mga responsibilidad bilang Tagapagbantay.

Inaabangan din kung paano makatutulong sa kanyang misyon ang misteryosong karakter ni Julian (Eddie Garcia).

Samantala, kaliwa’t kanan naman ang parangal na tinatanggap ni Coco mula sa iba’t ibang awardgiving bodies tulad ng Youth Role Model of The Year ng Familya Sauza-Berenguer de Marquina para sa 93rd Las Familias Unidas, Most Outstanding Personality in Philippine Television ng 1st EdukCircle MOPiP TV Awards, at Outstanding Performance by an Actor in a Single Drama/Telemovie Program ng katatapos na Golden Screen TV Awards 2012 para sa kanyang pagganap sa ‘Kamao’ episode ng Maalaala Mo Kaya.

Incoming search terms: