Home » Balita » Criminal case vs Atimonan cops

Criminal case vs Atimonan cops

Ni Evelyn Quiroz

Ipinag-utos ni Pangulong Beningo Aquino III ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban sa mga opisyal ng pulisya na sangkot sa umano’y rubout sa Atimonan, Quezon noong Enero 6 na ikinasawi ng 13 katao kabilang ang isang mataas na opisyal ng pulisya.

Kasong multiple murder ang inirekomendang isampa laban kina dating Region IV Regional Director Chief Supt James Melad, Supt. Hansel Marantan at 14 na iba pa.

Sa ginanap na press briefing sa Malacañang, sinabi ni Deputy Presidential spokesman Abigail Valte na inaprubahan ng Pangulong Aquino ang 64-pahinang executive report ng NBI na nagdedetalye sa resulta ng masusing imbestigasyon ng ahensiya hinggil sa malagim na shooting incident.

Ayon kay Valte, lumilitaw sa report ng NBI makaraan ang masusing pagaaral sa mga ebidensiya kabilang ang mga testimonya, ballistic report at findings na walang naganap na shootout kung kayat lumitaw na summary execution ang naganap.

Tatlong eyewitnesses ang hawak ng NBI na lalo pang nagpatibay sa konklusyon na rubout ang naganap. Idinetalye ng mga saksi kung paano binaril ang mga biktima na noo’y nasa akto ng pagsuko kung kaya’t hindi kapani-paniwala ang iginigiit nina Marantan na nakipagpalitan ng putok ang mga biktima.

Sinabi pa ng mga testigo na may ilang biktima na lumabas na sasakyan na nakataas pa umano ang mga kamay na tanda ng pagsuko subalit walang awang pinagbabaril nina Marantan.

Incoming search terms: