Home » Kalusugan » ADHD sa kamusmusan, hindi nawawala, nagbubunga ng problema sa pagtanda

ADHD sa kamusmusan, hindi nawawala, nagbubunga ng problema sa pagtanda

HALOS ikatlong bahagdan ng mga tao na nasuring may attention deficit hyperactivity disorder (ADHD) sa kanilang pagkabata ang nagtataglay pa rin ang kondisyong ito sa pagtanda, ayon sa isang US study.

Natuklasan din ng researchers, na inilabas ang findings sa Pediatrics, na ang mga taong ito ay mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng iba pang mental disorders o sakit sa utak, gaya ng anxiety o depression, at pagpapatiwakal.

Pinangunahan ni William Barbaresi ng Boston Children’s Hospital, natuklasan nila na halos 29 porsiyento ng mga partisipante sa pag-aaral na nasuring may ADHD sa pagkabata ay dala-dala pa rin ang diagnosis na ito sa kanilang late twenties.

“They still clearly had symptoms that continued to be consistent with that diagnosis,” sabi ni Barbaresi. “But that in itself has been an area of difficulty and controversy.”

Ang ADHD, na pinakakaraniwang neuro-developmental condition, ay nakakaapekto sa 3 porsiyeto hanggang 7 porsiyento ng mga bata sa US, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC). Ito ay mas karaniwan sa mga batang lalaki kaysa babae.

Sinabi ng CDC na ang mga batang may ADHD ay nahihirapan sa pagpokus, nagiging malilimutin, natataranta at madaling maistorbo, na sa puntong ito ay lumilikha ng suliranin sa paaralan, sa tahanan, at sa kanilang mga kaibigan.

Ang mga taong nasuring may ADHD ay may posibilidad na magpatiwakal. Natuklasan ng researchers na 3 sa 387 partisipante na may childhood ADHD ay nagpakamatay, kumpara sa 7 sa 4,946 na nonADHD participants.

“The finding about suicide is new,” sabi ni Mary Solanto, director of the ADHD Center sa Icahn School of Medicine sa Mount Sinai sa New York. “It was suggested in another one of these… studies, but in this study the sample size was large enough for it to be significant.” – Reuters

Incoming search terms: