Home » Showbiz atbp. » Nora Aunor nagbalik, hindi tumakas

Nora Aunor nagbalik, hindi tumakas

Ni Pit M. Maliksi

Nora AunorSA programang Walang Siyesta sa DZBB ni German Moreno, muling ipinagtanggol ng master showman si Nora Aunor laban sa mga mapanirang reporter.

Ibinalita ni Kuya Germs na bumalik na si Nora ng tahimik nitong nagdaang Linggo (Marso 3, 2013) upang patunayan na kasinungalingan ang isinulat ng mga kritiko na hindi na babalik si Ate Guy.

“Heto, narito na ang superstar, buhay na buhay,” ayon kay Kuya Germs.

Nakausap ni Kuya Germs si Ate Guy na nagsabing hindi totoo ang mga kumakalat na paninira sa kanya tuwing siya aalis siya ng bansa, na halatang gusto lamang siyang gawan ng mga negatibong balita, ayon kay Kuya Germs. Kesyo iniwan na raw si Nora ng kanyang manager na si Boy Palma at ng kanyang matapat na tagahanga na si Albert Sunga.

Isinulat ni Dolly Carvajal sa isang broadsheet na nakausap niya si Boy Palma nagsabing personal na nagpaalam kay Ate Guy upang pansamatalang magbabakasyon dahil may karamdaman siya na naintidihan ngunit ikinalungkot ni Ate Guy. Hindi raw totoo na iniwan niya si Ate Guy. Hindi raw niya ito magagawa sa superstar, ulat pa ni Dolly.

Samantala nang umalis si Ate Guy pabalik sa US para mag-renew ng green card, ang kasama niya ay walang iba kundi si Albert Sunga hanggang siya ay muling bumalik ng Pilipinas.

O, ano? Di ba kuryente na naman ang mga ipinangangalandakang negatibong balita ng detractors ni Ate Guy?

Nabanggit din ni Kuya Germs na tuloy ang commitments ni Nora sa TV5, ayon na rin sa home network ng superstar. Inamin din daw ng superstar na binigyan nga siya ng paunang bayad sa indie film na gagawin niya pero hindi niya ito tinakasan. Sa katunayan, nandito na nga siya upang harapin ang kanyang mga tinanggap na proyekto.

Siguro, dapat na rin niyang harapin ang mga taong palagiang gumagawa ng mga balitang nakakasira o intentional na manira sa kanya? Bakit nga ba sila palaging pailalim?

Kung tatanungin ang Noranians, taas-noo nilang sasabihin na hindi sila nagsusulat o nagpapasulat ng kasiraan sa ibang artista. Bakit nga ba hindi na lamang ang kanilang idolo ang isulat at pinakikialaman nila at tigilan ang paninira ng iba?

Dahil ba sa insecurity sa mga parangal kay Nora Aunor na kahit hindi gumawa ng pelikula ay patuloy na umaani ng mga karangalan hindi lamang dito sa atin kundi sa ibang bansa?

Incoming search terms: