Home » Dagdag Balita » Presyo ng bisikleta, hindi bubuwisan

Presyo ng bisikleta, hindi bubuwisan

Iminungkahi ni Rep. Roger Mercado (Lone District, Southern Leyte) ang pagtataguyod ng bicycle-sharing sa buong bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng tax exemption sa pagbili o rental fees ng non-fuel consuming bicycle, kabilang ang mga electric bikes.

Ayon kay Mercado, chairman ng House Committee on Transportation, ang paggamit ng fossil fuel ang kinilala bilang malaking kontribusyon sa carbon dioxide na nagiging sanhi ng global warming at polusyon.

Aniya, ang pagtaas ng carbon dioxide level ang dahilan ng global warming at nagreresulta sa mapaminsalang climate change o pagbabago ng panahon.

Batay sa House Bill 6891, lahat ng binili o rental fees ng non-fuel consuming bicycle at electric bikes ay exempted sa lahat ng uri ng sales tax o mga katulad na buwis. – Bert de Guzman

Incoming search terms:

comments


















Translate »