Home » Kalusugan » 10 health benefits ng luya

10 health benefits ng luya

KAMAKAILAN lamang napagtanto ng siyensia ang mga potensiyal ng luya, ngunit ilang dekada na itong ginagamit, lalo na bilang bahagi ng Eastern medicine para lunasan ang iba’t ibang karamdaman gaya ng mga sumusunod:

Migraine
Ang pagkonsumo ng luya ay makatutulong para maibsan ang tila walang katapusang sakit ng ulo. Ito ay mabisa sa pagharang sa prostaglandins na nagdudulot ng kirot at pamamaga sa blood vessels na makapipigil sa sakit ng ulo.

Lagnat at sipon
Ang luya ay matagal nang ginagamit sa maraming bansa upan malunasan ang lagnat at sipon. Bukod dito, dahil nalilinis din ng digestive tract ang luya, maaari rin itong gamitin sa paggamot ng food poisoning o pagkalason sa pagkain.

Menstrual cramp
Sa Chinese medicine, ang luya ay ginagamit para maibsan ang menstrual cramp. Ang desired effect ay natatamo kapag ang luya ay hinaluan ng brown sugar.

Morning sickness
Parusa sa kababaihan ang morning sickness. Ang masamang pakiramdam at pagsusuka sa umaga ay nakakasira sa buong araw. Sa susunod na makaranas ng morning sickness, huwag nang uminom ng vitamin B6. Ipinakikita ng ilang pag-aaral na ang luya ay kasing bisa ng vitamin B6 sa paglunas sa morning sickness.

Pananakit at pamamaga
Sa halip na uminom ng painkillers, uminom lamang ng luya upang maibsan ang pananakit ng katawan. Ipinahihiwatig ng pag-aaral na ang luya ay may malakas na anti-inflammatory properties at nagsisilbing natural alternative sa pain killing drugs.

Heartburn
Marami ang hindi nakakaalam na ang luya at mabisang natural remedy para sa heartburn. Gamitin ito na parang tsaa upang mabawasan ang at maibsan ang pamamaga sa iyong dibdib at ang kirot na dulot nito.

Motion sickness
Ang motion sickness at naursea ay pahirap sa mahabang biyahe. Ngunit mayroon kang mabisang lunas. Sa susunod makaranas ng morning sickness, gamitin ang luya upang tuluyan na itong mawala.

Diabetic Nephropathy
Ang luya ay mabisang panlaban sa kidney damage bungang diabetes. Sa isinagawang experiment sa diabetic lab rats, ang mga dagang binigyan ng luya ay mas nakaiiwas sa pagkakaroon ng diabetic nephropathy.

Ovarian cancer
Sa pag-aaral na isinagawa sa University of Michigan Comprehensive Cancer Center, nadiskubreng ang
pulbos ng luya ay mabisang pumapatay sa ovarian cancer cells. Nangangahulugan na ang luya ay maaaring epektibo sa paggamot ng mga pangunahing sakit gaya ng ovarian cancer.

Colon cancer
Ang luya ay nakatutulong din para maiwasan ang colon cancer. Ito ay naidokumento sa University of Minnesota, na nakatuklas na kayang pigilin ng luya ang paglago ng colorectal cancer cells.

Incoming search terms: