Home » Probinsya » MILF, nanindigang nakonsulta ang Sultanate ng Sulu sa Bangsamoro agreement

MILF, nanindigang nakonsulta ang Sultanate ng Sulu sa Bangsamoro agreement

 

Nina Edd K. Usman, Bella Gamotea at Genalyn Kabiling

Ayaw magkomento ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa standoff ng mga kaanak ng sultan ng Sulu at ng puwersang Malaysian sa Lahad Datu sa Sabah, Malaysia.

“It is better to remain silent,” sa ulat ng sariling website na Luwaran.com ay sinabi ni Khaled Musa, deputy chairman for information committee ng MILF, noong Martes.

Isa pang lider ng MILF ang tumangging magbigay ng komento sa may akda, sinabing masyadong maselan ang usapin sa Sabah, lalo at thirdy party facilitator ang Malaysia sa usapang pangkapayapaang ng gobyerno at MILF.

Sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), nakiisa si officer-in-charge Gov. Mujiv Hataman sa mga panawagan ng agaran at payapang resolusyon sa krisis sa Sabah.

May 100 hanggang 300 tagasunod ni Sultan Jamalul Kiram III ang nagtungo sa Lahad Datuh noong nakaraang linggo upang bawiin ang lupa ng mga ninuno ng sultan.

Sinabi ni Kiram na hindi kasama ang sultanate sa Framework Agreement for Bangsamoro (FAB), kaya naman ipinadala niya sa Sabah ang kanyang grupo.

Ngunit ayon sa MILF, gaya ng iba pang grupo sa Mindanao ay kinonsulta rin ang Sulu sultanate sa pagbuo sa FAB, na nilagdaan ng gobyerno at MILF sa Malacañang noong Oktubre 15, 2012.

“We have reached out to you as we did to other groups in Mindanao on the subject of resolving the conflict in Mindanao. We did this on several occasions, particularly when the MILF peace panel had a sortie in Zamboanga City more than a year ago,” sabi ni Musa.

‘DI AALIS
Sa kabila nito, nagmamatigas pa rin ang grupo ng mga Pinoy na hindi lilisanin ang Lahad Datu, sa kabila ng pakiusap ng Department of Foreign Affairs (DFA) na payapa na lang silang umalis sa lugar.

Ayon kay Abraham Idjirani, tagapagsalita ng Sultanate, mananatili ang grupo ng mga Pilipino sa lugar base sa pakikipag-usap sa telepono ni Kiram at ng kapatid nitong si Raja Muda Abimuddin Kiram na nanguna sa pagsalakay sa Sabah.

Inaresto ng Malaysian security forces ang daan-daang Pilipino, ngunit iginiit ni Kiram na handa silang lumaban sakaling humantong sa karahasan ang sitwasyon, at nanindigang sa kanila ang ilang bahagi ng Sabah, na dating Borneo, dahil pag-aari umano ito ng kanilang mga ninuno.

Sinabi pa ni Kiram na nakatatanggap sila ng nominal yearly compensation package mula sa Malaysia, sa ilalim ng kasunduan sa pagmamay-ari sa Sabah.

KALIGTASAN, PRIORIDAD
Samantala, tiniyak ng Malacañang na prioridad nito ang protektahan ang mga Pilipinong nasa Sabah sa pakikipag-usap ng gobyerno sa awtoridad ng Malaysia upang maresolba ang standoff.

“What I can tell you today is that discussions are ongoing between the Philippine and Malaysian authorities, as well as the parties involved in the incident so let’s wait for the results of the meeting,” sinabi ni Presidential Spokeswoman Abigail Valte sa press briefing sa Palasyo noong Martes.

“The DFA always acts in line with our national interest and with the protection of our citizens as their utmost priority,” ani Valte.

Una nang sinabi ng Malacañang na hindi pa nito ikinokonsidera ang muling pagbuhay sa “dormant” claim ng Pilipinas sa Sabah sa harap ng maselang sitwasyon ngayon sa teritoryo.

Incoming search terms:

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese