Home » Balita » Mga benepisyo ng gulay at prutas, alamin sa color coding

Mga benepisyo ng gulay at prutas, alamin sa color coding

 

Ni Edd K. Usman

Hindi lang sa trapiko sa Metro Manila magiging mabisa ang color coding; para sa masustansiyang pagkain, dapat na ipatupad din ito sa hapag-kainan.

Inilunsad ng Department of Science and Technology (DoST), sa pamamagitan ng Food Nutrition Research Institute (FNRI), ang colorsinspired scheme sa pagkain ng Pinoy para sa malusog na katawan.

Nagdebelop ang FNRI ng Daily Nutritional Guide for Filipino Adults (DNGFA) para maging gabay sa masustansiyang pagkain ng mga Pilipino.

“One should take three servings of 1/2 cup of cooked vegetables and 2-3 servings of fruits every day,“ ayon sa DGNFA.

Batay sa DNFGA, ang mga prutas at gulay na orange at yellow, gaya ng melon, mangga, papaya, peaches, orange, saging, pinya, carrot, kamote, kalabasa at mais ay mainam sa mata at balat, dahil ang matingkad nitong kulay ay dulot ng caratenoids.

“This nutrient promotes good vision, strong immune system, and helps reduce the risk of heart disease,“ anang FNRI.

Ang mga berde, tulad ng asparagus, spinach, letsugas, pipino, broccoli, repolyo, patani, green peas, green pepper, leeks, sibuyas, berdeng mansanas, ubas at kiwi ay mainam sa puso at ang “full fiber content“ nito ay nakapagpapababa sa panganib ng colon cancer, ayon sa FNRI. May lutein din ang mga ito na nagpoprotekta sa mata mula sa “macular degeneration that leads to blindness.“

Dapat ding ihain ang mga gulay at prutas na kulay asul at purple, gaya ng ubas, talong, pasas at plum, dahil sagana ito sa anthocyanins, na ayon sa FNRI ay nagpoprotekta laban sa cancer at sakit sa puso at maaaring makapagpababa ng blood pressure at cholesterol level.

Ang mga puti, gaya ng sibuyas, bawang at singkamas ay epektibo “to reduce heart disease“, at mabisa laban sa kirot at pamamaga.

Ang mapupulang pagkain naman ay sagana sa lycopene, na nakatutulong upang makaiwas sa cancer sa baga, bituka, dibdib at balat at maaaring makapagpababa ng blood cholesterol level at panganib ng sakit sa puso.

Incoming search terms:

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese