Home » Editoryal » MALIGAYANG IKA-90 KAARAWAN, H. E. AMBASSADOR ALFONSO T. YUCHENGCO

MALIGAYANG IKA-90 KAARAWAN, H. E. AMBASSADOR ALFONSO T. YUCHENGCO

Si Ambassador Alfonso T. Yuchengco, Founder at Chairman ng Yuchengco Group of Companies (YGC), na isa sa pinakamalalaki at pinakamalalawak na business conglomerate sa Pilipinas ay magdaraos ng kanyang ika-90 kaarawan ngayong Pebrero 6, 2013. Siya ang Chairman of the Board ng MICO Equities, Inc., ang holding company ng Malayan Group of Insurance Co.; Pan Malayan Management and Investment Corp.; Mapúa Institute of Technology (MIT); Nippon Life Insurance Co.; at Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC).

Si Ambassador Yuchengco ay itinuturing isa sa pinakamatatagumpay na business leaders sa bansa; siya ang No. 21 sa listahan ng Top 40 Filipino Billionaires ng Forbes. Ngayon ang YGC ay isa nang 60-company conglomerate na may mga investment sa banking, insurance, automotives, travel at tourism, construction, engineering at information technology. Pinangangasiwaan ni Ambassador Yuchengco ang kanyang mga negosyo nang may disiplina, katapatan, at pagmamalaki bilang Pilipino. Madalas niyang sinasabi, “I won’t go into business that isn’t good for the country or may tarnish the company’s reputation. A good name is more important that a successful business.“

Isinilang noong 1923, nag-ugat ang lipi ni Ambassador Yuchengco sa Fookien, People’s Republic of China. Nilisan ng lolo niyang si Yu Tiaoqui ang pamilya nito sa Fookien at nagtungo sa Pilipinas noong ika-19 siglo. Ang kanyang anak na si Don Enrique, ang ama ng Ambassador, ay nagtungo sa Pilipinas noong mahigit 20 anyos na ito, inangkin ang pangalang Enrique Tiaoqui Yuchengco at ikinasal kay Maria Hao Tay na mula naman sa Fujian. Noong 1930, itinatag ni Don Enrique ang China Insurance and Surety Co., ang ninuno ng Malayan Insurance Co. Nag-aral si Ambassador Yuchengco sa De la Salle College at tinapos ang kanyang Bachelor of Science in Commerce, major in Accounting sa Far Eastern University. Pagkatapos kumuha ng Certified Public Accountant Examination, kumuha siya ng Master’s degree in Business Administration sa Columbia University sa New York City, United States of America. Itinatag niya ng Great Pacific Life Assurance Corp. noong 1954, kalaunang sinundan ng RCBC, AY Foundation at Pan Malayan Travel and Tours, Inc. Noong 1992, nakuha niya ang Engineering Equipment Inc., at noong 1999 ang MIT.

Naging Ambassador siya to the People’s Republic of China noong 1986, Presidential Envoy to Greater China, Japan at sa Korea noong 1988, Ambassador to Japan noong 1995, Presidential Assistant on Asia-Pacific Economic Cooperation matters noong 1998, at Presidential Adviser on Foreign Affairs noong 2004. Naglingkod siya bilang Philippine Permanent Representative to the United Nations na may ranggong Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary.
Ginawaran siya ng Order of the Sacred Treasure, Gold at Siver Star, at Grand Cordon of the Order of the Rising Sun mula sa Emperor ng Japan; Order of Sikatuna, Rank of Datu mula sa gobyerno ng Pilipinas; Knight Grand Officer of Rizal, Knights of Rizal; Order of Lakandula, Rank of Bayani (Grand Cross); at Most Distinguished Alumnus at Hall of Fame Awardee ng Far Eastern University. Pito ang kanyang supling na kinabibilangan nina Helan, Yvonne, Annabelle, Mona Lisa, Alfonso Jr., Albert, at Alfonso III.

Ang Manila Bulletin sa pangunguna ni Chairman of the Board Dr. Emilio T. Yap, President and Publisher Atty. Hermogenes P. Pobre, Executive Vice President Dr. Emilio C. Yap III, Editor-in-Chief Dr. Cris J. Icban Jr., Business Editor Loreto D. Cabañes, at mga Opisyal at Kawanihan ay bumabati kay Ambassador Alfonso T. Yuchengco sa kanyang ika-90 kaarawan. Hangad natin ang kanyang tagumpay. HAPPY BIRTHDAY AT MABUHAY!

Incoming search terms:

comments
Translate »


















Translate »