Home » Sports » Metro Turf, wala nang awatan!

Metro Turf, wala nang awatan!

 

Wala nang makapipigil pa!

Plantsado na ang pagsasagawa ng regular races sa buwan na ito ang Metro Turf, ang ikatlo at bagong racetrack sa bansa, sa Malvar, Batangas.

Ito ang inihayag ni Metro Turf chairman at president Dr. Norberto Quisumbing Jr., personal na pinamahalaan ang mga serye ng matagumpay na dry-runs sa pasilidad ng racetrack at betting operations.

“I am happy to announce that Metro Turf had passed with flying colors the entire requirement by the authorities. We can now say that we are ready and very much willing to hold our regular races soon here in our racetrack,” masayang sinabi ni Dr. Quisumbing.

Dalawang karera ang humataw sa ilalim ng pagmasid ng mga opisyal ng Philracom, ang regulatory body ng industriya sa ilalim ng Office of the President.

Ang dalawang dry-run races ay impresibong ginanap noong Enero 19 at 21 at ang well-manicured racetrack ay ginagamit na sa kasalukuyan sa pagsasanay ng mga kabayo na nakabase sa 600-stall Saddling Paddock para sa kanilang regular na morning workout.

“I am very much delighted with the racetrack. Our horses like it very much and I can safely say that it is of world-class standard. Yung mga nagsasabi na matigas daw at hindi maganda, ako na mismo ang magsasabi na hindi pa nila kasi nakikita ito ng personal,” saad ng isa sa kinikilalang beteranong horse trainer.

Ang United Tote betting machines, kinapalooban ng mga makabagong digital technology sa gaming industry, ay matagumpay ring nasuri na pinapatakbo rin ng betting machines sa San Lazaro Leisure & Business Park sa Carmona, Cavite. Ang mga ito ay nasa loob na ng Metro Turf premises makaraang isagawa ang official dry-run kung saan ay minonitor ang makina na sadyang binigyan ng approval ng mga opisyal ng Games and Amusements Board.

Ang Clubhouse at Grandstand ay pinuno ng mga nasiyahang mga bisita at iba pang racing fans na personal na nagtungo sa Metro Turf upang mabatid ang tunay na kaganapan sa nasabing lugar.

“This 45-hectare racing facility right in the heart of Batangas, the so-called Kentucky of the Philippines, has all the amenities needed by all horsemen. We wish that all the three racing clubs, with the support of the Philracom and the GAB, will join hands to invigorate and raise the level of the racing industry in order to serve the highest expectations of our biggest stakeholders – the horseowners, as well their trainers and jockeys, and at the same time earn the goodwill and trust of the racing public. We are coming in as a third racetrack in an arena of healthy and friendly competition,” giit pa ni Dr. Quisumbing.

“The more creative and novel ideas to improve the image of horseracing as a noble sports, and for more growth, the better for everyone,” dagdag pa nito.

Incoming search terms:

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese