Home » Daigdig » State of emergency sa Egypt

State of emergency sa Egypt

CAIRO (AP) – Nagdeklara ang presidente ng Egypt ng state of emergency at curfew sa tatlong probinsiya sa Suez Canal na matinding naapektuhan ng bugso ng mga karahasan na ikinamatay ng mahigit 50 katao.

Galit at halos sumisigaw, sumumpa si Mohammed Morsi sa isang televised address noong Linggo na hindi siya magdadalawang-isip na magsagawa ng karagdagang hakbang upang masugpo ang panibagong serye ng mga karahasan sa bansa.

Ngunit tiniyak niya sa mga Egyptian na hindi mahuhulog ang bansa pabalik sa diktadurya. “There is no going back on freedom, democracy and the supremacy of the law,” aniya.

comments
Translate »


















Translate »